Kinahahangaan Ko si Mam Logo ng central 1 Sta.Rosa City. Sya ay isang public teacher ng central 1 at ang anak ko na si francis na may ADHD ( lagi ko itong babangitin dahil ako ay proud na may ADHD ang anak Ko) ay dito rin nag-aaral, sya ay isang transferee mula sa isang pribado eskwelahan dito sa sta.rosa.
Ako ay humanga sa teacher na ito dahil ng malaman ko mula sa adviser(mam atienza) ng anak ko na walang grado sa science para sa 2nd grading... imbes na magalit ako sa teacher ay napahanga pa ako at nachachalenge naman ako para sa anak ko... sabi ng adviser kaya daw walang grade si francis dahil hindi nga daw nagawa ng quizzes at wala mga seatwork or homework , walang makuha score sa anak ko kaya wala grade. eto kasi ang tama ng adhd sa kanya ayaw nya talaga magsulat pero magaling sya sa recitation...
nahanga ako sa teacher dahil
- sa dami ng studyante na hawak nya 60 per class at ilang class meron ang grade 4, ay nagawa pa nya wag lagyan ng grade ang anak ko, ibig sabihin noon kahit madami syang hawak na estudyante alam nya kung ano dapat na grade ang ibigay para sa bawat estudyante...
- sa dami ng hawak nya estudyante why bother herself na magbigay ng blank grade at masugod pa sya ng magulang.. pwede naman nya ilagay na 75?
- nahanga ako kasi tunay na pagdidisiplina ang nais nya sa mga bata....
-hindi nya hahayaan na magkaroon ng 75 sa card ang anak ko , dahil alam nya magaling pa rin naman ang bata, disiplina lang ang kailangan
bilang isang magulang , ipinaharap ko sa kanya si Francis, at hinayaan ko na sya ang makisuyo sa teacher nya, dahil kung ako ang haharap , ako ang magiging estudyante, ang usapan namin hangang wala grades ang cards, walang mga privillage sa bahay, specially playing computers during holidays and weekends...
natutuwa pa ako sa nangyari, dahil parang natauhan ang anak ko sa mga pangyayari na nawalan sya ng grade sa card, nag asikaso sya, at nagugulat ako na naaalala nya kung ano dapat gawin na bilin ng teacher nya para magkaroon ng grade sa card, kaya lang medyo disiplinarian talaga si mam logo, di nya talaga pa binigyan ng grade si francis ngayon bago magbakasyon, kaya tuluy wala sya privilege sa buong holidays, masyado nalungkot si francis, pero kinausap ko sya at sinabihan, na madami pa naman holidays ang dadating sa buhay nya, and make this a learning time for you, you dont deserve na sa tuwing holidays ay lagi ka n lng walang privilege, kaya mark this holiday that it wont happen again... sa tingin ko ano man ang nangyari sa kanya, ito isang alaala ibabaon nya sa buhay nya at mapupulutan ng aral, isang aral na lagi ko pinapangaral sa kanya na ngayon lang nya ata naintindihan ... ang responsibilidad mo bilang estudyante ay gampanan ng mabuti, sapagkat habang nabubuhay ay lagi tayo may responsibilidad at kung ito ay hahayaan natin, buhay ay mahihirapan...ang buhay ay hindi lamang ABC at 123 kailangan din nating matuto mag solve ng buhay problema, sanayin ang sariling matuto dumiskarte ng tama....
SALAMAT SAYO MAMA LOGO SA MAGANDA PAGDIDISIPLINA MO SA ANAK KO, TUNAY NA HINAHANGAAN KITA!
Lunes, Enero 4, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
ang oay nyo naman pero now ihave alots of things i learned
TumugonBurahinang oay nyo naman pero now ihave alots of things i learned ... what do you mean oay? hehehehehhe... di kita magets... at ano ang natutunan mo? hindi mo nga masabi....well pagbibigyan kita post ko pa rin comments mo... God bless!
TumugonBurahin