Biyernes, Enero 1, 2010

madali lang ang pagluluto ng Kare-kare


madali lang ang pagluluto ng Kare-kare? oo nga, totoo yun, natuklasan ko na madali lng pala magluto nyan, wala pa nga isang oras talaga, naluto mo na ang kare kare,

dati kasi noon akala ko mahirap magluto ng kare kare gawa kasi ng giniling na mani, nakakabili lang naman pala nun sa supermarket, hindi kasi ako mahilig magluto ng mga ulam na gawa sa mga pre-mix sauce na nabibili naka sachet, feeling ko puno ng kemikal.. hehhhehe ,

ganito langang dapat gawin

isalang na agad ang palambuting karne (ox tail or pata)na nilagyan ng asin (salt to taste ) habang nagpapamlambot,pwede ka ng magsaing ng bigas(multi-tasking.. hehehhe) pwede ka na ring maghiwa ng mga gulay na gusto mong ilagay sa kare kare, tulad ng talong,sibuyas,bawang,kalabasa,talong,pechay, mag prepare ng atsuete

para sa mga ka bloggers ko na di alam paano magprepare ng atsuete, kumuha lng ng isang handful of atsuete, at ibabad sa tubig, pagnamula na ang tubig , kunin na ang buto ng atsuete, yung pinagbabaran ng atsuete ang gagamitin sa pagluluto.

kapag malambot na ang karne, kumuha ng bagong kawal. mag-gisa ng bawang,sibuyas,pag tapos ka ng mag-gisa, ilahalo mo na rin yung giniling na mani, igisa sa ginisnag bawang at sibuyas,.

ihalo ang atsuete,isalin ang pinalambot na kare at kalabasa , kumuha lng ng tamang sabaw sa pinagakuluan ng karne, simmer for 10 minutes, para yung lasa ng sarsa ay sumama sa loob ng karne, bantayan mabuti ha, baka kasi masunog ang sarsa... heheheheh

pagmay mga 10minutes ng pinapasimmer yung sarsa sa karne, pwede ng ilagay ang sitaw at talong, palambutin, pagakatapos pwede na ring ilagay ang pechay, pagkatapos mapalambot ang sitaw at talong,


Bonga, may kare-kare na po kayo... hehehehhe simple lng naman di ba? subukan nyo na......

CERTIFIED TAMAD NA GAWAIN!!!!!! HAPPY NEW YEAR!


p.s
eto po yung mga links ko para sa mga certified tamad na gawain

http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/tamang-pagtutupi-ng-medyas.html

http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/tamad-magpaputi-ng-damit-may-solusyon.html

2 komento:

  1. Hi !

    Your kare kare looks really delicious!

    I'm collecting a list of the best kare kare recipes in my blog, and I included your kare kare recipe (just a link though, hope you don't mind). You can see it at
    http://kumain.com/kare-kare-2/

    Keep in touch!

    TumugonBurahin

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...