ano ba ang negosyo walang tax? simula ng mabasa ko ang libro nila larry Gamboa at trace trajano, na mulat ang kaisipan ko para sa pagpapalago ng pera, lalo na ng mabasa ko ang libro ni bro. bo na 8 secrets of the truly rich
1.personal lending
- 2yrs na po ako dito
2.buy and sell ng junk (middlemen lng)
- simulan ko ngayong taon na ito,kaya kung interesado kayo,basa basa lng kayo ng post ko
3.blogging
-di pa ako kumikita, heheheh, pero mapag-aaralan ko din nyan
4.buy and sell online
- pag may mga luma gamit sa bahay nabebenta ko sa ebay or sulit,or pwede rin mga kakaiba gamit na mahirap hanapin sa mall ang mabenta nyo online
5. pagbreed ng dogs
- yan ay kung mahilig kayo sa dogs...
as of now, yung pagbili ng junks ang medyo pinag-aaralan ko ngayon, ayon sa mga nabasa ko libro at ebooks, be a go giver first rather than a go getter.. ibig sabihin, mahirap ipaliwang sample ko na lang sa inyo
interesado ako sa junk, kaya eto ang ginawa ko
1st step
kinaibigan ko yung mga basurero na nagsesegrate ng basura tuwing gabi,nakipagkwentuhan ako sa kanila, naisip ko kung basura ang nais ko dapat sa nagbabasura din ako magtanong , kung gusto ko ng pagpapaganda kay vicky belo ako magtanong..
nagtanong ako kung paano sila nagsesegrate,dun ko nalaman kung ano ang dekolor at de puti na tinatwag sa papel, nalaman ko dun kung saan junk shop pwede dalhin ang mga junk na mag-oofer ng maganda price....
Step 2
kinaibigan ko yung may ari ng junk, nagpunta ako,nakipag usap kung ano pede nyang bilhin na junk, inabot ko ang calling card ko, ng hinihingi ko na ang calling card nya, wala sya maibigay, sabi ko , bibigyan ko sya tutal naman lagi ako nasa harap ng computer, sagot nya maraming salamat, at pagnagdala daw ako ng junk, gagandahan daw nya ang presyo.... hehehheeh tignan nyo edi ba wala pa nga ako nabebenta junk sa kanya , pero maganda na agad ang usapan namin, may kapartner na agad ako...
naisip ko tuloy kahit gaano man kakapal o kanipis ang mga impormasyon na nakuha mo sa libro, kung isasabuhay mo ito ay lalago......buti na lang mahilig ako magbasa at isabuhay ang mga impormayon na sa tingin ko ay kakapal at lalago ang kabuhayan ko...
MGA LINKS KO PAPUNTA SA PERA
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/dream-big_05.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/pabili-nga-po-pautang-po-omg.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...