nang mahuli kami ng pulis sa dahilan na napaliko ang asawa ko sa wrong way dahil akala namin, pagsapit ng 10pm ng gabi ay pwede ng dumaan sa intersection ng balibago papunta complex, ay nahuli kami, nagpaliwanag kaming mabuti kung bakit kami napadaan sa wrong way , at nagpaliwanag din naman ang pulis na hangang pm ay may nagbabantay pa rin dahil ma traffic pa rin ang ganoon oras, dahil maayos naman ang usapan namin, pinatawad na kami ng pulis...
nakakatuwa madalas kasi ang impression natin sa mga pulis ay mahilig manikil, tatakutin ka pa, para lang maglagay ka at sasabihin may penalty ang ginawa mo violation, di sila madali kausapin dahil ang gusto ay bigyan mo sila ng pera
ang ating mga pulis sa balibago ay tuinay na pagseserbisyo ang ginagawa, kung nagkamali ka, at maari pa namang magkapaliwanagan, ay nadadaan pa sa usapan,
dahil sa tunay na serbisyo pinagkaloob nila sa amin, naisipan naming bigyan sila ng konting pasasalamat, binilhan namin sila ng masarap ng siopao sa kowloon... nais lang po naming iparamdam sa kanila ang pasasalamt namin, at maramdaman nila na sa kanila maayos na pakikipag usap ay mas maganda ang kinakalabasan...
mas mahirap na ang pulis ay manikil sa mga tao nahuhuli nila, mas mabuti na iparamdam natin sa maayos na pulis na pagnagbigay sila ng maayos na serbisyo ang kapalit noon ay isang pagpupuri at tunay na pasasalamat....
muli nais ko pong magpasalamat sa mga pulis balibago.. at mula kay mayor arlene arcilas, sa pangangalaga sa ating mga pulis na maging tapat ang kanilang serbisyo publiko...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...