Lunes, Nobyembre 30, 2009

Mamalengke ng Lobsters



masayang masaya namalengke ang mga kids and teens sa pamamalengke ng mga seafoods na malapit sa MOA. kakaibang experience para sa kanila.nakakita sila ng iba iba klase ng seafood,mula sa iba-ibang klaseng isda, shells,crabs at lobsters.


pinili namin kumain sa Ocean 88, maganda kasi ang ambiance dito,di masyado crowded at mulawag ang space, may magagandang chandeliers,elegant ang table and chairs at pati na rin ang mga draperies, may maganda rin silang sorround system para sa videoke,sympre maganda rin ang kanila service at masarap sila magluto ng seafood.


Sa Ocean88 , sila lang ang restaurant na elagant ang ambiance.very accomodating ang mga service crew nila, sinamahan nila kami mamalengke.Sinigurado nila na ang  mga seafood na pinamili namin ay mga sariwa.

Habang kami ay naghihintay sa pagluluto ng pagkain, nakasiyahan kami kumanta,maganda ang sound system nila, enjoy na enjoy ang mga kids sa kantahan nila.




Nang dumating ang mga hipon, scallop,sinigang na isda @ lobster ay nagpasalamat muna kami kay God sa masaganang hapunan namin. mabilis na ubos ang scallop,masarap kasi talaga,ang hipon ang dami, pati na rin sa Lobster ay agawan kami. ngayon lang ako nakakin ng lobster,malaman pala talaga ito. pero para sa akin masarap pa rin ang scallop.



pagkatapos namin kumain, nagbalak kami pumunta ng MOA,kaya lang ang dami tao kaya di na rin kami tumuloy , naisip namin pumunta sa mandaluyong sa St.Policarp street,ng makarating kami, binago na pala ang place, maganda rin sana kasi parang may fiesta ang daming ilaw at bazaar,kaya lang ang dmadmi din ang tao at halos wala kang ma pag parkan ng car,kaya sumatutal,umuwi nalang din kami... hehhehhehehhe



Linggo, Nobyembre 29, 2009

Process and Tools For Me ang My ADHd Son

sa tuwing aatend si reden ng work life balance seminar ni Jim lafferty,madalas ibinabahagi nya ito sa akin. naalala ko yung kwento tungkol sa bulag na invite ni jim para magbigay ng talk,wala man ako sa talk na yun, sa kwento ni reden ang essence ng talk ay through process and tools you can achieve everything, ibig sabihin di mo daw kailangan maperfect agad ang lahat ng bagay para makuha mo agad ang gusto mo.Mahabang pasiyensya at pagtitiyaga ang kailangan


halimbawa nalang sa anak ko si francis na may ADHD,ang problem di kasi sya nagsusulat,kaya ito process ang naisip ko,first everyday 3 times a day ako nasa school nya from morning,lunch at uwian para lng iremind sa kanya na dapat sya magsulat,

second naisip ko siguro mas magiging efficient kung bibigyan ko sya ng diary ,dun nya isusulat lahat ng mga  ginawa nila ,everyday check ko yun,pag wala pinapasulat ko sya kung ano dapat nya gawin para di nya makalimutan magdiary

3rd naisip ko na naman na medyo baguhin ulit yung process, naisip ko na may diary na sya twice a month ay  kakausapin namin yung teacher nya para malaman nya yung ano pa ang dapat nya improve .

4th naisip ko na rin na dun sa diary icheck na rin nya kung nakawala ba sya ng ballpen,waterjug etc., at least kung lagi nya makikita na may nawawala sya medyo magbibigay sya ng effort para maingatan nya ang mga gamit.

somtimes, iniisip ko kung yung ba ginagawa namin ni francis ay may patutunguhan ba...bigla ko iisipin yung process and tools...di agad mo makukuha ang gusto mo... kailangan mo hubugin at madalas mo baguhin kung nararapat para sa ikakabuti  ng pangarap mo .

mahaba man ang process kung tamang tools ang gagamitin mo, ma achieve mo rin ang gusto mo ma achieve. sa halimbawa ko na yan kay francis ang mga tools na ginamit ko ay yung daily presence ko, pinalitan ko ng diary, dinagdagan ko pa ng twice a month na visit sa teacher nya to ask for a feedback

sa ngayon di na sya madalas makawala ng mga gamit gawa ng diary nya pero yung pagsusulat kailangan pa rin ng improvement, yan pa ang dapat  namin pag isipan kung ano pa mga tools ang process ang dapat naming gawin para ma achive ang goals namin...


Church Time @ Monastery of St. Claire


Friday pa lng ng gabi , na plano ko ng magsimba kami ng sabado (we attend mass every saturday) sa Monastery of st.Claire( for additional information about egg offering click here). maaga ang misa dito para sa mga madre, quarter to six pa lang ay nag uumpisa na ang misa.


Maganda mag misa dito,lalo na kung birthday mo, bakit? napakatahimik ng lugar at may malawak na park sila.pwede ka magmuni muni ng mga bagay bagay na gusto mo isipin o ipagdasal.


kung mahilig ka sa tennis,maganda ring lugar ito para sayo after the mass , pwede kang maglaro ng tennis.

Maganda ring magsimba ng umaga, pagkatapos kasi naman magsimba, dinala namin ang mga kids sa Mc.donald bel-air.eto na lng kc ang Mcdonalds na my playplace. mganda ring dalhin dito ang mga bata for breakfast, tahimik lng din kc dito sa lugar ng bel-air, di masyado matao @ mukha ka kc nasa ibang  bansa,madalas kc mga foreigners ang mga nakain dito.

Madalas sabado ng gabi nagsisimba, nagyon ko lng naisip na magsimaab ng umaga umaga,pero masarp pala kasi, humahaba ang araw mo at mas maganda magbonding ng family.


next week try naman namin magsimba sa st. polycarp, this church is well known sa mga bata kumakanta , parang mga anghel sa langit ang tinig ng boses ng mga bata.after nun ipapasyal ko ang mga kids sa pantalan ng cabuyao....

abanagan nyo....

Sabado, Nobyembre 28, 2009

100 Things to-do Before I Die

100 Things To-Do Before I Die ? pag nagawa ko na ba ito pwede na ba ako mamatay? yan ang hindi ko alam.....pero eto ang explanation ng asawa ko si Reden na nakinig ng talk ni Jim Lafferty. Magpasalamat muna ako sa kanya sa maganda talk nya na nainspire ang asawa ko at naikwento sa akin upang maging makulay naman ang buhay ko sa bahay....


Bakit kailangan magkaroon nito? acording to Jim Lafferty, upang maging makabuluhan ang every years na dumaan sayo.Hindi daw madali maglista sabi ni Jim sya nga daw 2yrs daw nya nabuo yung listahan nya na 100 to-do at sabi ng asawa ko 40 palng daw dun ang nagagwa nya...

ano-ano daw ba ang mga halimbawa ng mga to-do? mga bagay na interesado ka tulad ng sports, cooking, reading books,learning new language ,travel at iba pa mga bagay na interesado ka..

paano gagawin? kada year mag laan ng 1 to 2 to-do mo na gagwin sa taon na yun... para ang kada taon mo ay laging memorable sayo...

Ngayon taon na ito very memorable din sa akin kasi
1. from 130 lbs ay naging 112lbs nalang ako at na maintain ko yun.,pinaghirpan ko talaga
2. starting to learn drupal and blogging
3. Money lending established
4. Transfer my kids from private to public school

this coming year mas magiging inspired ako gumawa ng mga bagay na gusto ko pa mangyari sa buhay ko dahil sa Talk ni Jim,

eto pa lang ang mga na iisip ko to-do before i die
1.learn to speak Spanish
2.learn to cook chinese food
3. hiking w/ the kids
4.visit my brother @ california
5. visit my sister -in-law @ new york
6.learn to bake cake
7. learn to cook italian food
8. run a 10k race
9.kayaking w/my kids
10. earn 1 million
11.gym instructress
12. be a tourist guide
13.dive w/ my kids
14.tour palawan
15. tour mindanao
 madami pa. ako gusto di ko lang na maisip....
Simulan mo na rin maglista....

sundan sa links para sa part two

Biyernes, Nobyembre 27, 2009

Mag Ipon ng 1MILLION






1 MILLION? ang hirap atang maka ipon nun. Pangarap ko maging self-made millionaire... yup yup yup. pero paano? sa kakarinig sa ebook ko ng 21 secrets of a millionaire @ 7 habits of  highly effective people ,at pagababasa ng book ni Bo Sanchez  eto ang naging conclusion ko
15 yrs for 1 Million...
1. ilaan ang 5 taon upang maka-isip at ma establish ang buss. na magbibigay sayo ng saving na 300 pesos a day.
2. pwede magsimula ka ng mag-ipon ng 5k at ilaan sa mutual funds. wag matakot, sabi nga double the rate of failure ay lalo ka daw matuto kung ano ang tama paraan sa paghawak ng pera @ negosyo
3. magsimula ng mag ipon kahit wala pang 300 pesos a day ang savings mo.Kapag naka establish ka na ng buss. na mabibigay ng 300 pesos savings a day, simulan na ito at pagdating ng 10yrs, may 1 million ka na
4. mapapabilis pa yan kung lalo mo sisipagan at aayusin ang buhay mo pagdating sa pagpapalago ng pera.

Ako nagsisismula na mag-ipon... ikaw ba?

Mga links para sa lending
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/pagpapautang-ano-ba-ang-alam-ko-tungkol.html

Huwebes, Nobyembre 26, 2009

Fitness/ Gym buddy ( Trainer)

Fitness/ Gym buddy ( Trainer)

The Dodo Is Dead


I love reading books.Scholastic books ang una ko investment para sa una kong anak na si Francis . Naisip ko madami pa ako iaanak kaya ok lang ang bumili ng medyo mahal na libro. nung time na yun si francis ay 2yrs old pa lng. Alam ko di pa nya yun mababasa, pero madalas ko nababasa, kailangan daw lagi handa ang mga learning materials para sa mga bata. Lumaki mahilig magbasa si francis, pati na rin ang kanyang mga kapatid, Si francis mahilig sa Science at general information. Si camille mahilig sa stories.



Tuwing gabi binabasahan ko sila ng chapter ng Alice in Wonderland, sa chapter na yun may picture yung Dodo, at nasabi tuloy nila magkakapatid na may libro kami about Dodo, alam nyo mga ka bloggers, kinabukasan yung anak ko si camille binasa nya yung libro ng The Dodo is Dead at lahat na ng libro ng
I Wonder Why book ay binasa nya,dahil lang sa pagbabasa namin ng Alice in Wonderland, na interesado sya  sa ibang pang  libro.

Tama nga talaga na ang mga learning materials ay  lagi nakahanda para sa mga bata, para anytime na ma- curious sila, handa ito para sa learning time!

Sulit na ang investment ko para sa mga libro!
Mag-invest na rin kayo!

Salamat sa first 5 viewers ko!

Salamat sa mga viewers ko mula sa Benguet, Cavite, Korea,California @ Makati!

Salamat din sa Web-stat.. nakakapag inspire kasi na malaman mo na may nagbabasa pala ng blogs mo. try nyo itong website nan ito its free for 1 month, no obligation!
http://www.web-stat.com

Miyerkules, Nobyembre 25, 2009

fitness buddy (trainer)

Link
kaw ba ay nahihiya pumunta sa Gym? walang kasama mag gym? di alam kung ano gagawin sa gym? kailangan mo ng pumayat para sa kalusugan mo?
pwede mo ako samahan at sabayan sa aking pag gym. tuturuan pa kita kung paano kumain ng tama at mag isip ng tama para sa iyong kalusugan,tuturuan pa kita ng iba iba teknik para sa pagpapayat ng di mo kinakailangan gumastos.

Kung nagawa kong mapapayat ang sarili ko sa pamamagitan ng disiplina at tiyaga, kayamo rin yan.

Sabayan ako sa pag gym sa Symmetry Gym,Sta.rosa,Laguna
Gym time: 8:00 - 9:00 pm

Paniniwala sa sarili:
Give a man a fish and you feed him for a day. teach a man to fish and you feed him for a lifetime. chinse proverbs

contact me @ 09285006158


Tamang Pagtutupi ng Medyas


      Sa totoo lang ang pagtutupi ng medyas ay isa sa mga kinakatamarang ko gawain, napakaliit kasi at mabusising tupiin. Sa sobra katamaran ko naisip ko bakit ba kasi kailangan bilugin ang medyas? para maka save ng space at nakapares na kapag kukunin sa drawer?

      Sa tingin ko habang binibilog mo ang medyas (gaya ng nasa picture) nasisira mo ang porma ng medyas at kahit at yung pinakamahal na medyas ang bilin mo sa SM ay masisira pa rin talaga at di aabot ng buong pasukan ng eskewela ay bibili ka na naman ulit ng bago set.

Mga ka bloggers may bago ako na imbento..( na naman!) naisip ko dahil tamad nga ako magtupi at para rin sa katipiran at mapahaba ang buhay ng medyas, eto paraan ang naisip ko.

1. huwag na huwag bibilugin ang medyas, upang humaba ang buhay nya.
2. dahil tamad ka,mas mabilis kung pagsasamahin na magkakapares ang medyas, sa ganoon di mo na bibilugin pa.


       Napaka epektibo nito kasi napatunayan ko na ,ang mga medyas na binili ko nung June ay kasing sikip pa rin ng bago, hindi ito lumuwag.Subukan nyo,ng mapatunayan, ipamalita na rin sa mga kabloggers nating tamad!

Martes, Nobyembre 24, 2009

Ano ba ang kahalagaan ng School Project?


haaay, school project,pampahirap,sabi nga ng iba estudyante, ako rin noon ng ako ay isa pang estudyante, iniisip ko para saan ba ang school project? checked lng naman ng teacher tapos  ,tapos na,my grade ka na! iniisip ko noon nag exam na, nag recite ka na,my project pa? sobra na ata ito.. hahhahha


naalala ko pinangaralan ako ng Kuya Arnold ko na ang project daw ay para matutuo magtiyaga ang bata,minsan daw kc di lang daw dapat puro abc and 123 ang napapagaralan kelangan mahubog  mo daw yung sipag at tyaga ng  bata . yan din ngayon ang madalas na tinuturo ko sa mga anak ko,lalo na kay Francis kc may ADHD sya.

habang ginagawa ng anak ko ang unan na yari sa balat ng chichirya may napansin ako na kung gaano kahalaga ang school project

1. pwede gawing bonding ng mga magkakaptid, dito nahahasa ang pagtutulungan ng magkakapatid
2. nakakakisip ng paraan at diskarte kung paano mapabilis at mapaganda ang project
3. nahuhubog ang tyaga at sipag
4.natututo unahin ang dapat unahin , bago maglaro (delaying gratification)


kayo ba sa tingin nyo ano pa ang mga iba kahalagan ang school project na pwede nating ipangaral sa mga estudyante?

Biyernes, Nobyembre 20, 2009

Tamad magpaputi ng damit? May Solusyon Na!

Ikaw Ba ay tamad o walang kaaalaman sa pagpapa-puti ng damit? naninilaw na ba ang mga puti damit mo? sugat sugat na ba ang kamay mo sa pagpapa-puti ng damit? nauubos ang oras mo sa pagpapa-puti ng damit?  may soulusyon na dyan, di mo na kailangan bumili ng kung ano ano materyales gaya ng suka,oxalic,kalamansi,kamias at kung ano ano pang solution para lang pumuti ang inyong damit.

ARIEL OXY BLEACH at ZONROX COLOR lang ang kailangan at ang uniform mo sa school na binili mo nung pasukan ay magiging puti pa rin hangang sa katapusan ng pasukan sa March!

ganito lang dapat gawin.

1.banlawan muna ang maduming puting damit
2. gumawa ng sulution mula sa ARIEL OXY BEACH at ZONROX COLOR at tubig
3. ibabad at least 30 mins. ang mga madudumi puti damit sa ginawa solution.
4.Kung sa washing machine,hindi na kailangan ng bago sabon , dahil ang Zonrox color ay mabula.
5. Kung lalabhan sa kamay , pwede na kusutin pagkatapos ibabad.
6. ang pinagbabaran ay pwede gamitin ulit sa mga dekolor na damit, sapagkat banayad ang Zonrox Color

ito ay napakabisa, dahil ito ay subok ko na! CERTIFIED  GAWAING TAMAD at Epektibo!

simula ng naisip ko gamitin ang Zonrox Color, napansin ko na napapanatili ko maputi ang mga damit, gaya ngkapitbahay ko masipag bimili ng oxalic sa ibang bayan pa, yes tama kayo, dinadayo pa nya ang oxalic sa kabilang bayan dahil mas original daw yung nasa palengke ng Binan, para lang mapaputi  ang damit ng kanyang mga anak, nagpapabili rin ako sa kanya dati, pero ng matuklasan ko ito, ay nakow masasabi ko talaga sa inyo na magpapsalamat kayo sa tao nakaimbento ng ARIEL AT ZONROX COLOR.
Tanadaan Ariel OXY lang ang dapat gamitin, sapagkat Ariel Oxy lamang ang may pinakamabisa sabon sa lahat at may power ng oxalic at ang Zonrox Color ay banayad sa mga de kulay na damit, di ka mangangamba nga ang mga dekolor na damit mo ay magiging puti din.

SUBUKAN NYO NA!!!!!!!!!!!!!!

Linggo, Nobyembre 15, 2009

Probinsyana ay dumalo ng kasal sa Renaissance Hotel


excited ako dumalo sa kasalan sa hotel. Sympre bihira lang para sa isang probinsyana ang maka attend ng kasalan sa isang hotel. Ako ay naghanda ng mabuti para sa kasal na ito , sympre , ika nga sabi ni Flick sa bugs life “don’t look like a country bug, blend in.


Una, nagpakulot ako ng buhok, Pangalawa, bumili ako ng lipstick at blush-on , sapatos at nag rent ako ng damit na worth P400, ako na lang ang nag ayos ng sarili ko, mas sigurado kasi ako di magmumukha bakla ,kung ako ang mag aayos ng mukha ko, buti na lang makinis ang balat ng mukha ko sa kakapahid ko ng OLAY, ganun pala yun kapag makinis na ang balat mo di mo na kailangan pang patungan ng madami foundation. (hahahhaha) Salamat sa OLAY!



Di pa muna ako magpapasalamat sa SKII eye cream na binili ng asawa ko ,kc 2 days ko pa lang naman napapahid yun ,sobra naman kapag kuminis agad ako sa dalawang araw na pahiran,Bonga!
Napakasimple lang ng damit na napili ko, simple lng din ang make-up, pati na rin ang ipit ng buhok ko



2 beses pa lang ako nakaka attend ng kasalan sa Hotel, ang una ay napaka pormal, as in sobra pormal kc fine-dining ang dating , ung mga pagkain sineserve ay mga gourmet at isa isa nilalagay sa plate mo, pati ang program masyado pormal,may mga tumutugtog ng violin, after ng program tapos na


Pero eto 2nd na na attend ko ang saya-saya talaga.Bakit masasya? Una, bumabaha ng alak, from tequila,brandy,wine,beer at kung ano ano pa alak, 2nd , ang dami pagkain at naka buffet, ang dami cold cuts at mga steak, and dami din shrimp… haaay busog na busog ako, 3rd ang program ay buhay na buhay kasi mga pa-games pa silang nalalaman, pagnasagot mo ang mga question tungkol sa history ng mag asawa ay masisiyahan ka kc may 100 worth na sturbucks,4th sa table may welcome chocolate na , 5th ang dami cakes, ang sasarap nila talaga, 6th may souvenir na kakaiba pwede ka magpaphotoshoot…., at 7th may ballroom dancing na may live band pa kasama at pwede kang uminom at magpakasawa sa alak .. ANG SAYA TALAGA NG WEDDING NA ITO!




Pero mga ka bloggers ko alam nyo ba kung ano ang napansin ko na magkapareho sa dalawang kasalan na na attend ko?
Ang MUDRA ng bride ay lagi bonga to death, as in super over sa pagiging mudra… paano ba naman sa color pa lang ng damit talaga din a magpapatalo, yung una kasal red gown ang mudra at super bonga, panagalawa naman ay fuschia pink! Ang taray talaga!

HAPPY 35TH BIRTHDAY NINANG





Happy 35th birthday Ninang! Salamat sa tradition binigay mo sa amin na sa tuwing birthday mo kami ay nagcecelebrate .Andito ka man sa pinas o wala! We wish you more blessings to come!




Kasabay na rin sa pagdiwang ng panalo ni Pacquiao kay Cotto.. hehehehhe pinoy nga naman talaga, lahat ipinagdidiwang!

Nang, bawi na ang pay per view ninyo ni Jimmy.

ninang Dahil dalawa ang celebration namin 3K lng naman ang nagastos namin sa double celebration. Sobra saya talaga hahahaha...

HAPPY 35TH BIRTHDAY!

Miyerkules, Nobyembre 11, 2009

Pagpapautang , Ano Ba Ang Alam Ko Tungkol Dito?




2yrs na ako nagpapautang.Ano ba ang nalalaman ko tungkol dito?Napakadali magpautang. Sapagkat marami ang nagangailangan ng pera, di mo na nga kailangan ipa-malita sa buong bayan nyo na nagpapautang ka dahil mabilis kumalat ang balita.Gaano kabilis? Kasing bilis ng kidlat at kasing tulin ni superman. Magugulat ka na nga lang kasi babahain ka at baka malunod ka ng mga taong di mo kilala. Maraming kakatok sa bahay nyo kung sino sino at magugulat ka pa kasi feeling friends at close na kayo kung maka utang,at halos di mo na kilala , at magtataka ka kung paano nila nalaman na nagpapautang ka. Ganun ka dali kumalat ang balita.Hindi mo na kailangan maghanap ng mga customer na uutang sayo…
E ano ang mahirap? Ahhh ang mahirap, sa dami nila ,mauubusan ka ng puhunan, at dahil excited ka pa kumita at naiisip mo na kung lahat ng sila ay mapautang mo.. ang laki ng kita mo….magiging gahaman ka ngayon (exaggerated lang po) na lahat sila ay pautangin upang mabilis ka kumita, na halos lahat ng pera mo ay ipautang muna na halos eksakto na lang ang pera mo sa pang araw araw na pangangailan…
Mali ang ganito eksena, mali ang pautangin mo silang lahat.MADALI MAGPAUTANG, MAHIRAP MANINGIL. Yan mga ka bloggers ko ang tandaan nyo, kahit gaano sya kaganda, kayumi, kabango, at gaano mo sya kakilala (kahit high school friend at malapit na kamag-anak)mag iingat ka! Piliin mabuti kung sino ang dapat pautangin. Dapat may criteria ka kung sino ang dapat pautangin ,kung bagsak sa criteria mo ang tao na umuutang sayo kahit kaibigan mo pa yan, tanggihan mo, ikaw bilang isang namumuhunan ang may kapangyarihan(o yes parang superman, full of powers)magpasya kung dapat o hindi dapat siya pautangin. At kung hindi siya dapat pautangin, maghanda ng mga linya sasabihin kung bakit hindi mo sya papautangin, dapat madami ka ring dahilan(kasing dami ng puhunan mo,hahahha)kasi ang kalaban mo dyan ay sama ng loob, pag di mo na pautang sasamaan ka ng loob,(sila pa ang may gana magalit sayo! Oh my gulay!)
Pag-aralan mabuti kung ano ba ang criteria mo sa pag papautang, yung tipo sigurado ka makakabayad sayo kahit magka earthquake o bumaha kinabukasan…(hahahahhahah) at pag di sya pasado sayo, dapat maging expert ka din sa paghingi ng sorry at di mo sila napautang.Ikaw pa ang hihingi ng sorry kung bakit di mo sila napautang, sympre, magpakumbaba ka,ang mga tao umuutang ay sensitive,kung ang umuutang ay di mo napautang at nagkataon na kamag-anak mo yan patay ka! Chismis at alitan ang mangyayari nyan(malas mo kapag pinakulam ka,hahhaha)
Kaya ang payo ko sa inyo mga ka bloggers ko, pag isipan mabuti ang criteria kung sino ang dapat pautangin at paano tangihan ang mga tao di dapat pautangin. ….
BABALA! Nawalan ka na ng pera, nagkasala ka pa…*.Accumulating – “for the love of money is a root of all kinds of evil,for which some have strayed from the faith in their greediness” (1Tim 6:10) As we begin to accumulate money and possessions, faithful stewardships can give way to greed.Our affections can subtly turn from building God’s kingdom to creating and reinforcing our own. Money has a way of feeding pride and self-sufficiency. As riches increase,it is essential to maintain right priorities. Lending – ‘ a good man deals graciously and lends”(Ps.112:5). The Bible teaches compassion and generosity toward the needy. Money given to the poor for such basic needs as food clothing, or shelter should be seen as gifts without expectation of repayment (Lk.6:34,35) In so doing, we lend ‘to the Lord” (Prov. 19:17) he promises to repay. Money given for a persons “wants”can be considered loans, and repayment is expected. We should exercise good judgment in what we loan for and who we loan to.

*p18,Managing your Money Biblical principles of money management..Copyright 1997 Christian equippers International