2yrs na ako nagpapautang.Ano ba ang nalalaman ko tungkol dito?Napakadali magpautang. Sapagkat marami ang nagangailangan ng pera, di mo na nga kailangan ipa-malita sa buong bayan nyo na nagpapautang ka dahil mabilis kumalat ang balita.Gaano kabilis? Kasing bilis ng kidlat at kasing tulin ni superman. Magugulat ka na nga lang kasi babahain ka at baka malunod ka ng mga taong di mo kilala. Maraming kakatok sa bahay nyo kung sino sino at magugulat ka pa kasi feeling friends at close na kayo kung maka utang,at halos di mo na kilala , at magtataka ka kung paano nila nalaman na nagpapautang ka. Ganun ka dali kumalat ang balita.Hindi mo na kailangan maghanap ng mga customer na uutang sayo…
E ano ang mahirap? Ahhh ang mahirap, sa dami nila ,mauubusan ka ng puhunan, at dahil excited ka pa kumita at naiisip mo na kung lahat ng sila ay mapautang mo.. ang laki ng kita mo….magiging gahaman ka ngayon (exaggerated lang po) na lahat sila ay pautangin upang mabilis ka kumita, na halos lahat ng pera mo ay ipautang muna na halos eksakto na lang ang pera mo sa pang araw araw na pangangailan…
Mali ang ganito eksena, mali ang pautangin mo silang lahat.MADALI MAGPAUTANG, MAHIRAP MANINGIL. Yan mga ka bloggers ko ang tandaan nyo, kahit gaano sya kaganda, kayumi, kabango, at gaano mo sya kakilala (kahit high school friend at malapit na kamag-anak)mag iingat ka! Piliin mabuti kung sino ang dapat pautangin. Dapat may criteria ka kung sino ang dapat pautangin ,kung bagsak sa criteria mo ang tao na umuutang sayo kahit kaibigan mo pa yan, tanggihan mo, ikaw bilang isang namumuhunan ang may kapangyarihan(o yes parang superman, full of powers)magpasya kung dapat o hindi dapat siya pautangin. At kung hindi siya dapat pautangin, maghanda ng mga linya sasabihin kung bakit hindi mo sya papautangin, dapat madami ka ring dahilan(kasing dami ng puhunan mo,hahahha)kasi ang kalaban mo dyan ay sama ng loob, pag di mo na pautang sasamaan ka ng loob,(sila pa ang may gana magalit sayo! Oh my gulay!)
Pag-aralan mabuti kung ano ba ang criteria mo sa pag papautang, yung tipo sigurado ka makakabayad sayo kahit magka earthquake o bumaha kinabukasan…(hahahahhahah) at pag di sya pasado sayo, dapat maging expert ka din sa paghingi ng sorry at di mo sila napautang.Ikaw pa ang hihingi ng sorry kung bakit di mo sila napautang, sympre, magpakumbaba ka,ang mga tao umuutang ay sensitive,kung ang umuutang ay di mo napautang at nagkataon na kamag-anak mo yan patay ka! Chismis at alitan ang mangyayari nyan(malas mo kapag pinakulam ka,hahhaha)
Kaya ang payo ko sa inyo mga ka bloggers ko, pag isipan mabuti ang criteria kung sino ang dapat pautangin at paano tangihan ang mga tao di dapat pautangin. ….
BABALA! Nawalan ka na ng pera, nagkasala ka pa…*.Accumulating – “for the love of money is a root of all kinds of evil,for which some have strayed from the faith in their greediness” (1Tim 6:10) As we begin to accumulate money and possessions, faithful stewardships can give way to greed.Our affections can subtly turn from building God’s kingdom to creating and reinforcing our own. Money has a way of feeding pride and self-sufficiency. As riches increase,it is essential to maintain right priorities. Lending – ‘ a good man deals graciously and lends”(Ps.112:5). The Bible teaches compassion and generosity toward the needy. Money given to the poor for such basic needs as food clothing, or shelter should be seen as gifts without expectation of repayment (Lk.6:34,35) In so doing, we lend ‘to the Lord” (Prov. 19:17) he promises to repay. Money given for a persons “wants”can be considered loans, and repayment is expected. We should exercise good judgment in what we loan for and who we loan to.
*p18,Managing your Money Biblical principles of money management..Copyright 1997 Christian equippers International
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...