Nawawala ba ang barong tagalog ng asawa ko? ahh hindi, ang nawawala ay ang kultura ng mga pinoy na lalaki na magsuot ng barong tagalog sa mga espesyal na okasyon. Ikinalulungkot ko ito masyado, ng ako ay maka attend ng isang kasalan sa Hotel halos iilan na lang ang nagsusuot ng barong tagalog. Sila yung mga nasa edad 35 pataas...
Sabi nga namin ng asawa ko kung sya ba daw ay dapat na ring bumili ng amerikana kasi yun na daw ata ang uso,pero sabi kokung pati ikaw ay magsusuot ng amerikana, sino pa ang magsusuot ng barong tagalog?
kaya napag isipan namin na ipag patuloy pa ang tradtion pag susuot ng barong tagalog,at lagi ko itong imumungkahi para sa aking mga anak na lalaki, barong tagalog para sa ating kultura....
Miyerkules, Disyembre 2, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...