Martes, Disyembre 8, 2009

pagbabawas ng kalat



magbabawas ako ng kalat! masaya at excited ako, sa tuwing ako ay magbabawas ng gamit namin sa loob ng bahay ako ay na excited kasi, nakikita ko ang mga bagay bagay na hindi ko makita at matagal ko ng hinahanap.
dapat kasi ay magdadagdag na lang ako ng mga drawer para maitabi pa yung mga iba pa namin gamit, pero sabi ng asawa ko, imbes daw na magdagdag ako ng tamabak ay magbawas ako, sa ganoon pwede ko ring ipamigay pa sa ibang tao mas nangangailangan ng gamit na nakatago sa akin.... isa pa ang kagandahan din ng pagbabawas ay hindi ka naiipunan ng mga tambak na gamit, dahil kapag tambak ka lng ng tambak ng mga gamit na di mo na kailangan lumalaki din ang space na kailangan mo para sa pagtatambak.. so nagiging disorganize tuloy ang bahay mo...

pero nakakapag taka lang ha... almost 3 times a year ako nagbabawas pero hangang nagyon may binabawas pa rin ako... naiisip ko tuloy ang dami ko talaga blessings...minsan mga blessing na hindi ko na napapansin, kaya para sa akin ang pagbabawas ay isang magandang gawain upang maisip mo ang mga blessing mo at maipamahagi mo pa ito sa mga tao mas nangangailangan....


ng maayos handa na ang mga gamit na ipamimigay ko sa pasko, binalot balot ko ng plastic at nilagyan ko ng ribbons...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...