Huwebes, Disyembre 3, 2009

Worth Educating Yourself


education? kapos ako nyan.. kaya hindi ko hinayaan na manatili ako mangmang.... (drama) pero totoo yan high school lang ang tinapos ko, kung bakit? sa iba ko n lng post explain sa inyo...

kahit high school lng tinapos ko, mahilig ako magbasa at dahil sa pag babasa marami na nagyari sa buhay ko
1.dahil sa pagbabasa natutuo ako pumili ng tamang lalaki pakakasalan
2. may takot pa rin ako sa Diyos

3.nag-enrol ako ng online course para mapakinabangan ng mga anak ko( daycare management) at ipinagmamalaki ko na ang anak ko ay lagi nasasabi bakit daw ba ako mabait di tulad ng iba na lagi nagagalit sa malilit lng na bagay.. sabi ko edukasyon pa rin,sa tingin ko kung wala akong alam tungkol sa tamang pag-aalaga sa mga bata baka ako din, mabilis uminit ang ulo ko at lagi ko sila mapapagalitan
4.napababa ko ang aking timbang (from 138lbs to 112lbs)at napanatili ko maganda ang aking kalusugan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagresearch sa internet
5. pagpapalago ng pera mula sa ebooks
6. tamang pag iisip at pakikipagsalamuha sa mga difficult people sa paligid ko
7. pananatiling masyang pamilya at makulay na buhay pangangasawa
8. pagiging high-teck.. ayoko mapag iwana ng panahon....
9. natutuo rin ako mamili ng mga tao pakikisalamuhain ko(influential people) sympre kung may difficult may influential people.


sa tingin ko,kung hinayaang ko maging mangmang ako sa lahat ng bagay, baka ang buhay ko ay isang malaki DISASTER. bakit? sapagkat hindi ko maiintindihan at mauunawaan ang lahat ng mga bagay bagay na mangyayari sa aking buhay... di ko alam kung paano sya ihahandle... pero dahil equip ako sa mga bagay bagay.. dumating man ang bagyo sa buhay ko, alam ko lilipas,napaghahandaan at napag aaralan ang lahat ng bagay ....kayo ba paano nyo tinuturan ang sarili  para sa ikakaunlad ng future nyo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...