bakit ba kasi kailangan magwalis ng bakuran sa umaga? at hindi mo nagawa yun, para namang ang laki na ng kasalanan mo sa mga matatanda? at iisipin na nila na mahihirapan ka makisama sa asawa at biyenan mo dahil hindi ka magaling magwalis at madumi ka sa bahay ?o kaya naman sasabihan ka na nilang ang tamad tamad mo? para namang yun lng ang kaya mong gawin magwalis ng bakuran.... haay siguro nga moderno na kasi ako... naalala ko kasi lumaki ako sa bahay ng tiya ko na may malaki bakuran... at isa sa obligasyon ko ay magwalis ng bakuran.. pero lagi ko iniisip na bakit bakuran muna ang wawalisin at bakit hindi ang loob ng bahay?
para sa sarili ko opinyon,dapat loob mo muna ng bahay ang linisin mo bago ang labas, ganito kasi yan, punahin mo muna ang dumi ng katawan mo bago ang dumi ng iba....so feeling ko yung dumi sa bakuran ko ay yun yung dumi ng iba tao na kinaiiritahan ko, at yung dumi sa loob ng bahay ko ay yun yung mga bagay na gusto ko improve para sa kaayusan ng pamilya ko.
di ko na pahahabain pa kwento ko, kung inuna ko ang pagwawalis ng bakuran namin ( malaki ang bakuran ko dahil nakatira ako sa probinsya) hindi ko magagawa sumabay sa asawa ko maligo sa umaga , at ma attract ko ang husband ko na makipag make love sa kanya ngayon umaga bago sya pumasok sa trabaho, kaya nga sabi ng kapitbahay ko na naririnig ko na nagbubulungan sa bintana namin habang kami ay nag making love ay.. "wala bang tao dito sa bahay na ito at walang nagwawalis? " ( sila na ang nagwalis ng bakuran ko....)
hehehehe .....
hindi ko naman sinasabi na wag kayong magwalis ng bakuran nyo, kung yun ba ang hilig nyo at masaya kayo gawin yun, edi masaya.. kaya lang kapag naninilip ka na bakit ang iba ay hindi nagwawalis, teka teka lng.. ibig sabihin ba nun hindi ka na masaya sa ginagawa mong pagwawalis?
kaya mga ka bloggers wag natin husgahan ang mga kabataan na tamad magwalis... dahil sa tingin ko hindi pagwawalis ang sulution sa ikagagagnda ng marriage life nya in the future.....
CERTIFIED KATAMARAN!!!!!!!!!!!
WALK THE TALK :
Let go of the idea that gentle,relaxed people can't be super achivers....
-richard carlson ph.d -dont sweat the small stuff..and it's all small stuff
Biyernes, Disyembre 11, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hi Probinsyana...nakakarelate ako dyan sa post mo kasi pareho tau ng opinion at gustong gusto ko ung sinabi mo... "kapag naninilip na bakit ang iba ay hindi nagwawalis, ibig sabihin ba nun hindi ka na masaya sa ginagawa mong pagwawalis?"... Mukhang ganun nga un kasi kung masaya sya sa ginagawa nyang pagwawalis..wala syang pakialam kung makalat pa sa bakuran ng kapitbahay..baka pati nga un linisin nya with a "smile"...now pag nagrereklamo na parang ang dating eh pakitang tao lang ang pag wawalis??Masabi lang na "masipag" sya. Baka gusto makasama sa "Dakilang Nagwawalis na Ina" award..di kaya???he!he!
TumugonBurahinWell..hanga ako sa mga tao na ginagawa na talagang "routine" ang pagwawalis ng bakuran ng hindi nagrereklamo, na parang part na ng life nila gawin un at hindi mabubuo ang araw kung hindi nila iyon nagagawa at lalo ako saludo dun sa mga tao na dinadamay na walisan ang tapat ng kapitbahay na walang reklamo....sana maging kapitbahay ko din sila!!! :)
una sa lahat tatawa muna ako... hehehehhehe.. mahilig kc talaga ako tumawa... natutuwa ako sayo kasi gusto mo maging kapitbahay ang kapitbahay ko.. napakaswerte ko talaga kasi yung kapitbahay ko akala nila lagi ako wala.. at talaga namang ang sipag nila magwalis ng bakuran ko ... hayaan mo, pag naging scientist ang anak ko.. ipapaclone ko sila at bibigyan kita hahhahhaha... hehehehehhe.. para dumami na ang kapitbahay na masipag magwalis.. ok ba yun?
TumugonBurahinHi!
TumugonBurahinIsa ako sa bagong fan ng blog mo!
Nung bata pa ako parati kami sinasabihan ng kuya ko na magwalis ng buong paligid ng bahay namin. Sa harap, may punong langka kami, sa gilid may langka, santol at chico...at sa likod may punong mangga, kalamias at sineguelas...One time, sa asar ko sa mga katulong namin...tinanong ko nanay ko kung bakit kailangan sa umaga mag walis...hindi ba pwede sa gabi?
Simula noon sa gabi kami nagwawalis...kabaligtaran ng nakagawiaan ng mga matatandang tsismosa na kapitbahay namin na nagwawalis sa umaga.
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahinhi leofred! salamat sa pagbabasa mo,siguro pareho tayo tamad... hehehhehe..pero di naman siguro ibig sabihin kapag tamad ka wala ka ng nagagawa.... mahilig lng mag imbento ng mga bago paraan para sa ikakabilis ng mga gawain gaya ng naisip mong paraan na magwalis na lng sa gabi, sa ganoon pagkagising mo sa umaga hindi naman walis agad ang hawak mo at maiba iba naman sa ginagawa ng mga kapitbahay mo.. hehehhehe... salamat ulit
TumugonBurahin