Huwebes, Pebrero 25, 2010

Manunuba,Balasubas, Mang-gagansto !

Babala po sa lahat, kung kayo ay may balak magtayo ng lending , dapat nyo po matutunan kung paano ba malalaman ang isang tao... MANUNUBA,BALASUBAS,MANG-GAGANSTO... iisa lang po ang mga characteristic ng mga tao na yan.... mag-iingat po kayo dahil madami ang lahi ng mga tao ganito.. let us be responsible in lending our money.... make it sure that our 1st goal is to help people who we lend, so if you suspect that lending him/her your money will not give him/her good benefits and will ruin more her financial situation and loss her dignity... pls. stop lending your money to that kind of person......

here are some of common traits that they have :
1. feeling friendship
     - beware, eto yung mga tao una pagkakila mo pa lang ay parang lahat na ng kwento nya sa buhay ay kaya nya na kwento.... mag-ingat ka, dahil pati buhay ng kung sino poncio pilato kaya nya ikwento sayo, hatid ay chismis para lng mapautang mo sya...tinakasan ka na sa pera ichinismis ka pa sa iba.... manunuba talaga!

2.madaming utang
     - dito pumapasok ang background checking, hangat maari dapat sayo lang may utang, mahirap na, pagmadami utang, common sense lang sino ang una nya kayang babayaran?.. wag kumuha ng tao madami utang, kung pwede ka naman makakuha ng ikaw lang ang inuutangan....mamaya yung inutang nya pala sayo ay pangbayad utang din pala sa iba inuutangan nya.. yaaaksss.. balasubas talaga!

3. nagmamdali pautangin mo
    - kapag ang tao ay nagmamdali pautangin mo at di na kaya ma-antay at pinipilit at pinipiga ka maglabas ng pera.. ay teka lang.. mag-ingat ka din... panigurado.. ipangbabayad nya din ito sa utang na kinukulit sya... kasi kung kaya nya maghintay... ibig sabihin pinalano nya ang paguutang nya sayo... marunong sya magplano, kung nagmamdali at sasabihin sayo na may babayarang books ng anak nya at kung ano ano pang kuryente, bakit di sya nag ipon nun pa? o kaya naman nagpasabi na sayo para magpa- schedule ? o di ba kung marunong sya sa pera at alam nya kakapusin sya.. dapat pinalano nya na uutang sya sa inyo at nagpalista na.. hindi yung nagmamadali.... Mangangantso!

4. Secret lng ang utang sa iyo
   - ito na ang pinaka malaking kata*&%han  na pwede mong gawin sa capital mo, kapag ikaw ay pumayag na isekreto lang ang utang nya sa inyo... Manunuba,Balasubas, Mang-gagansto, talaga ang tao na yan..... dahil kung maayos yan magbayad ipagyayabang pa nyan sa iyo at sasabihin na kahit itanung mo pa sa buong kapitbahay maayos ako magbayad.... ang tao balasubas sa pagbayad ayaw ipaalam dahil natatakot na malaman mo na sya ay isang

Manunuba,Balasubas, Mang-gagansto !

sundan ang ang mga links para hindi makatagpo ng ganito tao
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/02/makinig-sa-payo.html

Miyerkules, Pebrero 24, 2010

My Forum @ Entrepreneur.com.ph about junk shop


ilovesta.rosa

  • Novice
  • *
  • Posts: 1
  • Entrepreneur reader



    • View Profile
    • Email
    • Personal Message (Online)
Re: Need help in starting junk shop business...
« Reply #692 on: Today at 12:59:10 pm »
Hi everyone, last january ko lang ito naumpisahan , di ko pa matatwag ang sarili ko junkshop dahil ayoko magparehistro...daya nila ano, sa dami ng tinayo ko buss. at nagsara eto ng natutunan ko , malugi ka man ang gobeyrno lagi panalo sa tax.. hhehehhehe

2yrs na po ako sa lending after ng mga ups and downs ko sa legal buss.

kaya this jan 2010 naisip ko pa ulit na magtayo ng buss na walang tax.. hehhehehhe

kaya naisip ko maging karitonista.. heheheh hindi junkshop...
siguro dadating din ako dyan bilang isang malaki junk shop, pero dahil ako ay nag-aaral pa lng sa negosyo na ito, ang lahat ng kaya ko mapulot sa kalsada, ay pupulutin ko, bakit ba? libre naman yung pulutin, 1month pa lang ako, at sa tuwing umaga lng ako namumulot ng kalat sa kalsada (mainit na sa tangahali at sayang lng ang pinapahid ko olay at SKII) habang nag eexercise  at naninigil ng lending ako ay namumulot  ng kalakal, o di ba bonga, sa pamumulot ko ay kumita na ako ng  1000 sa isang buwan bawas na dyan ang transpo , akin na akin na ito ,not bad na di ba.. hehehehhe pinulot ko pa lng yun at yung iba ay nabili ko lng sa kapitbahay... hehehehhe
nakakaaliw kasi sa totoo lng wala pa ako ganoon ka dami effort, libangan lang kung baga, di ako lumalabas ng bahay na walang dalang plastic heheheh, nagbabakasakali may mapulot  na pwede marecycle, swerte ko na pagnakapulot ako ng in can para ako nakapulot ng ginto hehehehehhe.... i hope may natutunan kayo sa experience ko, simulan nyo na, kahit maliit lng, timbangan lng ang naging puhunan ko at paa at kamay sa pagpupulot... hehheheh, partida pagnagpupulot ako naka todo alahas pa ako, kaya naman yung mga kapitbahay ay hangang hanaga, at dahil sa tuwa nila sa akin, binibigyan pa nila ako ng lata o bote hehehehehhe... bonga to death talaga... hehehehhehe.. try new.. nakaka aliw
 

 mga links ko sa basura

Huwebes, Pebrero 18, 2010

makinig sa payo......

kung lending ang pag uusap, eto lang ang payo ko sayo, bago nyo po pahiramin ang isang tao lalo na kung ito ang una nyong transaction, siguraduhin mabuti, na sinuri nyo ang kakayanan nyang magbayad sa inyo, hindi mahalaga kung sya ay isang kabit, balo, kaibigan ng kaibigan mo, customer ng bilas mo na makikicustomer ka din sa pagpapuutang, hindi ito valid para maipautang mo ang pera sa kanya, hindi pinag uusapan dito kung maayos ba syang magdala ng damit o mabango, kahit guray guray guray sya magdala ng damit, e ano e kung sa palengke pala ang tindahan nya... ang pinag uusapan dito sa pagpapautang ay kung may kakayan ba syang magbayad...... dapat alam mo kung sino ang may kakayanan magbayad ng lending sayo, hangat maari magbackground cheking muna tayo, di sapat na malaman mo may utang din sya sa bilas mo at nakakabayad, at akala mo naman dahil sya ay nakakutang sa bilas mo at nakakabayad, kapag pinautang mo ay ganun din ang mangyayari, di tama yun, dahil, kung may utang nayan sa bilas mo, makakabayad pa rin kaya sya sa iuutang nya sayo? dahil sympre dumami na ang utang nya, in english you are spreading her too thin in paying her debts, imbes na nakatulong ka sa kanya ay lalo mo lang sya binaon sa isang utang na di nya kayang bayaran, wag tayo lagi nag iisip kung magkano ang kikitain natin sa kanila, kahit gaano kaganda ang mga promises, (promises is a promises ayun nga kay lady gaga), hangang promise na lang ito, mas mahalaga malaman nyo kung ano ang kakayanan nya sa pagbabayad ng utang na inutang sa inyo, kung ano ang source of income nya, kung sakali ba magkakaroon ng disaster ay may pagkukunan pa ba syang iba income? at kung may magpapayo sa inyo na wag nang pautangin ang tao na yan dahil sa kung ano man dahilan dahil sa pera, ay yun na po ang sign na wag na syang pautangin, wag matigas ang ulo at wag ng sumugal pa, na magiging dahilan mo ay baka naman sa akin ay maayos sya, stik stik stik mali pag iisip naganyan, kung di man sumablay yan sayo sa ibang pagkakaton ay sasablay at sasablay pa rin yan, kung yan talaga ay may katangi tangi di maganda ugali sa pagbabayad ng utang,  at common sense(common sense, is not common, so let us make it common in decission making)  na lang bakit mo pipiliting pautangin ang tao alam mo namang di maganda ang background at madami nagpapayo sayo na wag mo pautangin, kung may uutang naman sayo na maayos edi yun na lang ang pautangin mo, di mo kailangan sumugal sa tao di maganda ang background, para ka namang mauubusan ng uutang sayo, unless... gusto mo maubos agad ang capital mo? mag isip ka ng mabuti....makinig sa payo at talasin ang pakiramdam....... hehehehehhe

lending -'**A good man deals graciously and lends" (Ps.1125:5) The bible teaches compassion  and genrosity toward the needy. Money given to the poor for such basic needs as food clothing,or shelter should be seen as gifts without  expectation of repayment (Lk 6:34,35). In so doing, we lend "to the Lord" (prov. 19:17) He promises to repay. Money given to a persons "wants" can be considered loans and repayment is expected. we should exercise good judgment in what we loan for and who we loan to.....**

**Managing your money.. Biblical principles of money management... ,pp18,written by: terry d. edwards, copyright 1997 christian equippers international



sundan po ang mga links ko sa pagpapautang...
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/pabili-nga-po-pautang-po-omg.html

no pictures

hay... wala litrato para namang walang buhay din, kakaasar, una nasira ang memory card, nakabili na ng bago, ngayon naman nawala ang battery o my gulay talaga, pero sige na nga kahit wala mga pictures pipilitin ko pa rin gumawa ng mga post lalo na sa lending at junk.... wait lng ha

Martes, Pebrero 2, 2010

may pera sa basura

maraming hadlang para sa akin ang pagpupursigi ko patunayan na may pera sa basura, sabi nila kailangan may sasakyan ka, dapat may malaki ka lugar, dapat may mga nagkakariton na magdadala ng junk sayo, dapat may malaki kang puhunan.... pero para sa akin, kung lahat ng dapat na yan ay pinakingan ko, siguro di ako kumita ng P300 sa isang lingo ko pa lang na paguumpisa na siguro sa tingin ko ay nilagyan ko ng ng 5hours work sa buong lingo

sabi ko sa sarili ko, kung ako ay kikita ng p300 per week sa buong lingo na umuubos ng 5 oras lamang  para sa buong lingo, ay ay kikita ng 15thousand sa buong taon at makakabili ako ng 3 mutual funds, hindi na siguro masama ito, dahil sa buong lingo na 300  na kita ko na 5 oras ko lang pinaghirapan sa buong lingo ... hindi na ito masama....

 nakakatuwa dahil isang lingo pa lang ako, na hit ko na ang traget ko.. paano pa kaya kung taasan ko pa ang oras ng pagtratrabaho ko? ilang mutual funds at stocks ang mabibili ko?