haaay, school project,pampahirap,sabi nga ng iba estudyante, ako rin noon ng ako ay isa pang estudyante, iniisip ko para saan ba ang school project? checked lng naman ng teacher tapos ,tapos na,my grade ka na! iniisip ko noon nag exam na, nag recite ka na,my project pa? sobra na ata ito.. hahhahha
naalala ko pinangaralan ako ng Kuya Arnold ko na ang project daw ay para matutuo magtiyaga ang bata,minsan daw kc di lang daw dapat puro abc and 123 ang napapagaralan kelangan mahubog mo daw yung sipag at tyaga ng bata . yan din ngayon ang madalas na tinuturo ko sa mga anak ko,lalo na kay Francis kc may ADHD sya.
habang ginagawa ng anak ko ang unan na yari sa balat ng chichirya may napansin ako na kung gaano kahalaga ang school project
1. pwede gawing bonding ng mga magkakaptid, dito nahahasa ang pagtutulungan ng magkakapatid
2. nakakakisip ng paraan at diskarte kung paano mapabilis at mapaganda ang project
3. nahuhubog ang tyaga at sipag
4.natututo unahin ang dapat unahin , bago maglaro (delaying gratification)
kayo ba sa tingin nyo ano pa ang mga iba kahalagan ang school project na pwede nating ipangaral sa mga estudyante?
Martes, Nobyembre 24, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...