Linggo, Nobyembre 15, 2009

Probinsyana ay dumalo ng kasal sa Renaissance Hotel


excited ako dumalo sa kasalan sa hotel. Sympre bihira lang para sa isang probinsyana ang maka attend ng kasalan sa isang hotel. Ako ay naghanda ng mabuti para sa kasal na ito , sympre , ika nga sabi ni Flick sa bugs life “don’t look like a country bug, blend in.


Una, nagpakulot ako ng buhok, Pangalawa, bumili ako ng lipstick at blush-on , sapatos at nag rent ako ng damit na worth P400, ako na lang ang nag ayos ng sarili ko, mas sigurado kasi ako di magmumukha bakla ,kung ako ang mag aayos ng mukha ko, buti na lang makinis ang balat ng mukha ko sa kakapahid ko ng OLAY, ganun pala yun kapag makinis na ang balat mo di mo na kailangan pang patungan ng madami foundation. (hahahhaha) Salamat sa OLAY!



Di pa muna ako magpapasalamat sa SKII eye cream na binili ng asawa ko ,kc 2 days ko pa lang naman napapahid yun ,sobra naman kapag kuminis agad ako sa dalawang araw na pahiran,Bonga!
Napakasimple lang ng damit na napili ko, simple lng din ang make-up, pati na rin ang ipit ng buhok ko



2 beses pa lang ako nakaka attend ng kasalan sa Hotel, ang una ay napaka pormal, as in sobra pormal kc fine-dining ang dating , ung mga pagkain sineserve ay mga gourmet at isa isa nilalagay sa plate mo, pati ang program masyado pormal,may mga tumutugtog ng violin, after ng program tapos na


Pero eto 2nd na na attend ko ang saya-saya talaga.Bakit masasya? Una, bumabaha ng alak, from tequila,brandy,wine,beer at kung ano ano pa alak, 2nd , ang dami pagkain at naka buffet, ang dami cold cuts at mga steak, and dami din shrimp… haaay busog na busog ako, 3rd ang program ay buhay na buhay kasi mga pa-games pa silang nalalaman, pagnasagot mo ang mga question tungkol sa history ng mag asawa ay masisiyahan ka kc may 100 worth na sturbucks,4th sa table may welcome chocolate na , 5th ang dami cakes, ang sasarap nila talaga, 6th may souvenir na kakaiba pwede ka magpaphotoshoot…., at 7th may ballroom dancing na may live band pa kasama at pwede kang uminom at magpakasawa sa alak .. ANG SAYA TALAGA NG WEDDING NA ITO!




Pero mga ka bloggers ko alam nyo ba kung ano ang napansin ko na magkapareho sa dalawang kasalan na na attend ko?
Ang MUDRA ng bride ay lagi bonga to death, as in super over sa pagiging mudra… paano ba naman sa color pa lang ng damit talaga din a magpapatalo, yung una kasal red gown ang mudra at super bonga, panagalawa naman ay fuschia pink! Ang taray talaga!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...