Miyerkules, Nobyembre 25, 2009

Tamang Pagtutupi ng Medyas


      Sa totoo lang ang pagtutupi ng medyas ay isa sa mga kinakatamarang ko gawain, napakaliit kasi at mabusising tupiin. Sa sobra katamaran ko naisip ko bakit ba kasi kailangan bilugin ang medyas? para maka save ng space at nakapares na kapag kukunin sa drawer?

      Sa tingin ko habang binibilog mo ang medyas (gaya ng nasa picture) nasisira mo ang porma ng medyas at kahit at yung pinakamahal na medyas ang bilin mo sa SM ay masisira pa rin talaga at di aabot ng buong pasukan ng eskewela ay bibili ka na naman ulit ng bago set.

Mga ka bloggers may bago ako na imbento..( na naman!) naisip ko dahil tamad nga ako magtupi at para rin sa katipiran at mapahaba ang buhay ng medyas, eto paraan ang naisip ko.

1. huwag na huwag bibilugin ang medyas, upang humaba ang buhay nya.
2. dahil tamad ka,mas mabilis kung pagsasamahin na magkakapares ang medyas, sa ganoon di mo na bibilugin pa.


       Napaka epektibo nito kasi napatunayan ko na ,ang mga medyas na binili ko nung June ay kasing sikip pa rin ng bago, hindi ito lumuwag.Subukan nyo,ng mapatunayan, ipamalita na rin sa mga kabloggers nating tamad!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...