I love reading books.
Scholastic books ang una ko investment para sa una kong anak na si
Francis . Naisip ko madami pa ako iaanak kaya ok lang ang bumili ng medyo mahal na libro. nung time na yun si francis ay 2yrs old pa lng. Alam ko di pa nya yun mababasa, pero madalas ko nababasa, kailangan daw lagi handa ang mga learning materials para sa mga bata. Lumaki mahilig magbasa si
francis, pati na rin ang kanyang mga kapatid, Si francis mahilig sa Science at general information. Si camille mahilig sa stories.
Tuwing gabi binabasahan ko sila ng chapter ng Alice in Wonderland, sa chapter na yun may picture yung Dodo, at nasabi tuloy nila magkakapatid na may libro kami about Dodo, alam nyo mga ka bloggers, kinabukasan yung anak ko si camille binasa nya yung libro ng
The Dodo is Dead at lahat na ng libro ng
I Wonder Why book ay binasa nya,dahil lang sa pagbabasa namin ng Alice in Wonderland, na interesado sya sa ibang pang libro.
Tama nga talaga na ang mga learning materials ay lagi nakahanda para sa mga bata, para anytime na ma- curious sila, handa ito para sa learning time!
Sulit na ang investment ko para sa mga libro!
Mag-invest na rin kayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...