pinili namin kumain sa Ocean 88, maganda kasi ang ambiance dito,di masyado crowded at mulawag ang space, may magagandang chandeliers,elegant ang table and chairs at pati na rin ang mga draperies, may maganda rin silang sorround system para sa videoke,sympre maganda rin ang kanila service at masarap sila magluto ng seafood.
Sa Ocean88 , sila lang ang restaurant na elagant ang ambiance.very accomodating ang mga service crew nila, sinamahan nila kami mamalengke.Sinigurado nila na ang mga seafood na pinamili namin ay mga sariwa.
Habang kami ay naghihintay sa pagluluto ng pagkain, nakasiyahan kami kumanta,maganda ang sound system nila, enjoy na enjoy ang mga kids sa kantahan nila.
Nang dumating ang mga hipon, scallop,sinigang na isda @ lobster ay nagpasalamat muna kami kay God sa masaganang hapunan namin. mabilis na ubos ang scallop,masarap kasi talaga,ang hipon ang dami, pati na rin sa Lobster ay agawan kami. ngayon lang ako nakakin ng lobster,malaman pala talaga ito. pero para sa akin masarap pa rin ang scallop.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...