Linggo, Nobyembre 29, 2009

Process and Tools For Me ang My ADHd Son

sa tuwing aatend si reden ng work life balance seminar ni Jim lafferty,madalas ibinabahagi nya ito sa akin. naalala ko yung kwento tungkol sa bulag na invite ni jim para magbigay ng talk,wala man ako sa talk na yun, sa kwento ni reden ang essence ng talk ay through process and tools you can achieve everything, ibig sabihin di mo daw kailangan maperfect agad ang lahat ng bagay para makuha mo agad ang gusto mo.Mahabang pasiyensya at pagtitiyaga ang kailangan


halimbawa nalang sa anak ko si francis na may ADHD,ang problem di kasi sya nagsusulat,kaya ito process ang naisip ko,first everyday 3 times a day ako nasa school nya from morning,lunch at uwian para lng iremind sa kanya na dapat sya magsulat,

second naisip ko siguro mas magiging efficient kung bibigyan ko sya ng diary ,dun nya isusulat lahat ng mga  ginawa nila ,everyday check ko yun,pag wala pinapasulat ko sya kung ano dapat nya gawin para di nya makalimutan magdiary

3rd naisip ko na naman na medyo baguhin ulit yung process, naisip ko na may diary na sya twice a month ay  kakausapin namin yung teacher nya para malaman nya yung ano pa ang dapat nya improve .

4th naisip ko na rin na dun sa diary icheck na rin nya kung nakawala ba sya ng ballpen,waterjug etc., at least kung lagi nya makikita na may nawawala sya medyo magbibigay sya ng effort para maingatan nya ang mga gamit.

somtimes, iniisip ko kung yung ba ginagawa namin ni francis ay may patutunguhan ba...bigla ko iisipin yung process and tools...di agad mo makukuha ang gusto mo... kailangan mo hubugin at madalas mo baguhin kung nararapat para sa ikakabuti  ng pangarap mo .

mahaba man ang process kung tamang tools ang gagamitin mo, ma achieve mo rin ang gusto mo ma achieve. sa halimbawa ko na yan kay francis ang mga tools na ginamit ko ay yung daily presence ko, pinalitan ko ng diary, dinagdagan ko pa ng twice a month na visit sa teacher nya to ask for a feedback

sa ngayon di na sya madalas makawala ng mga gamit gawa ng diary nya pero yung pagsusulat kailangan pa rin ng improvement, yan pa ang dapat  namin pag isipan kung ano pa mga tools ang process ang dapat naming gawin para ma achive ang goals namin...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MAHALAGA ANG INYO KOMENTO...