Martes, Enero 12, 2010

FINE DINNING ALA MARKETMAN


FINE DINNING ALA MARKETMAN

i'm an avid reader of marketmanila

Di ko man siguro maluto yung turkey, magayako na lang yung  food presentation na parang Fine dinning, so eto ang kinalabasan



walang cherry tomato, pero pwede na rin,may heart shape na rice naman ... hehehehhe,cute ano!





may candle din, at yung candle holder na yan ay scallop shell.. creative ano...hehehhhe





thanks marketman, mula sayo,nakaisip ako kung paano ko pa ma express ang love ko sa husband ko...

Lunes, Enero 11, 2010

Failure is not an option!

Share ko alng sa inyo mga ka bloggers ko ang pagbabago nagyari sa akin simula ng matutunan ko magdisiplna para sa sarili ko...

ginawa ko ito upang maging paalala sa akin kung kaya ko papayatin ang sarili ko kaya ko ring gawin pa ang mga iba pang bagay na gusto ko pang mangyari sa sarili ko..lalo na ang pagiging millionaire... hehehehehhe

ginawako rin ito para sa mga anak ko, upang maipagmalaki ko na kung may disiplina magagwa ang lahat na nanaisin...
Before



 May 30 2008 ,139lbs



After




 September 2009 , 112 lbs

kaya kung nais nyo maging ganito.. sndan nyo lang ang links ko para sa
kapayatan



Sabado, Enero 9, 2010

Magbawas ng timbang (bent over row)

2nd day work out routine
dumbell raise to front  -3 sets - 8 repetition
bent over row            - 3 sets - 8 repetion
dumbell tricep extension -3 sets- 8 repetition
dumbell tricep kickback - 3 sets- 8 repetition

sundan ang post ko para sa iba pang mga exercise
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/magbawasng-timbang.html
BENT OVER ROW


Ginataang Langka at Hipon


Sino mahilig kumain ng ginataang langka at hipon? ako hindi,pero asawa ko mahilig.. heheh,
nabasa ko kasi sa blog ni marketmanila itong ginatang langka at hipon, kaya eto ako maaga palang ay namalengke na sa balibago complex,pag seafood kasi ang paguusapan, sa complex maganda maimili

dapat pa nga nyan ay may video kung paano ko naluto nasira na lang ang camera ko.. huhuhuhuh

eto po ang webseite ni marmetmanila para sa recipe na ito

http://www.marketmanila.com/archives/guinataang-langka-at-hipon-unripe-jackfruit-and-shrimp-in-coconut-cream-a-la-marketman#comments

panigurado masisiyahan ang asawa ko nyan mamaya kasi hindi pa nya talaga alam na ipinagluto ko sya ng paborito nya..maraming salamat sayo marketmanila!

Huwebes, Enero 7, 2010

negosyo walang tax!




ano ba ang negosyo walang tax? simula ng mabasa ko ang libro nila larry Gamboa at trace trajano, na mulat ang kaisipan ko para sa pagpapalago ng pera, lalo na ng mabasa ko ang libro ni bro. bo na 8 secrets of the truly rich


 3 taon na ang nakakalipas simula ng mabuksan ko ang isipan ko na ang daya daya talaga!mula sa sweldo mo, grocery,pagkain sa labas, pagliwaliw, paggamit ng expressway, lahat ay may tax!  kaya heto ako ngayon share ko sa inyo kung ano ba ang mga bagay bagay na pwede ka kumita ng walang tax

1.personal lending
- 2yrs na po ako dito

2.buy and sell ng junk (middlemen lng)
- simulan ko ngayong taon na ito,kaya kung interesado kayo,basa basa lng kayo ng post ko

3.blogging
-di pa ako kumikita, heheheh, pero mapag-aaralan ko din nyan

4.buy and sell online
- pag may mga luma gamit sa bahay nabebenta ko sa ebay or sulit,or pwede rin mga kakaiba gamit na mahirap hanapin sa mall ang mabenta nyo online

5. pagbreed ng dogs
- yan ay kung mahilig kayo sa dogs...

as of now, yung pagbili ng junks ang medyo pinag-aaralan ko ngayon, ayon sa mga nabasa ko libro at ebooks, be a go giver first rather than a go getter.. ibig sabihin, mahirap ipaliwang sample ko na lang sa inyo

interesado ako sa junk, kaya eto ang ginawa ko

1st step

kinaibigan ko yung mga basurero na nagsesegrate ng basura tuwing gabi,nakipagkwentuhan ako sa kanila, naisip ko kung basura ang nais ko dapat sa nagbabasura din ako magtanong , kung gusto ko ng pagpapaganda kay vicky belo ako magtanong..
nagtanong ako kung paano sila nagsesegrate,dun ko nalaman kung ano ang dekolor at de puti na tinatwag sa papel, nalaman ko dun kung saan junk shop pwede dalhin ang mga junk na mag-oofer ng maganda price....


Step 2

kinaibigan ko yung may ari ng junk, nagpunta ako,nakipag usap kung ano pede nyang bilhin na junk, inabot ko ang calling card ko, ng hinihingi ko na ang calling card nya, wala sya maibigay, sabi ko , bibigyan ko sya tutal naman lagi ako nasa harap ng computer, sagot nya maraming salamat, at pagnagdala daw ako ng junk, gagandahan daw nya ang presyo.... hehehheeh tignan nyo edi ba wala pa nga ako nabebenta junk sa kanya , pero maganda na agad ang usapan namin, may kapartner na agad ako...

naisip ko tuloy kahit gaano man kakapal o kanipis ang mga impormasyon na nakuha mo sa libro, kung isasabuhay mo ito ay lalago......buti na lang mahilig ako magbasa at isabuhay ang mga impormayon na sa tingin ko ay kakapal at lalago ang kabuhayan ko...

MGA LINKS KO PAPUNTA SA PERA
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/dream-big_05.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2010/01/pabili-nga-po-pautang-po-omg.html









Miyerkules, Enero 6, 2010

magbawas ng timbang !

Failure is not an option!
Goal : lose 1lbs every week - total lost 15lbs
Diet : 6 to 8 meals -protien shake until goal is been reach- 1 cheat day
activity : walk 30 minutes daily or tennis all by my self (kaya ko po yan... heheheh)
supplements : amino acids, fish oils, vitamin e, multivitamins,physilum husk

weight lost training:

1st day
push up - 3sets - 8 to 10 repetition
dumbell flys - 3 sets - 8 to 10 repetition
barbell curl - 3 sets - 8 to 10 repetition
dumbell curl - 3 sets - 8 to 10 repetition

Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago


totoo na Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago ang nasa puso ng mga traffic enforcer natin dito sa balibago, bakit?
 nang mahuli kami ng pulis sa dahilan na napaliko ang asawa ko sa wrong way dahil akala namin, pagsapit ng 10pm ng gabi ay pwede ng dumaan sa intersection ng balibago papunta complex, ay nahuli kami, nagpaliwanag kaming mabuti kung bakit kami napadaan sa wrong way , at nagpaliwanag din naman ang pulis na hangang pm ay may nagbabantay pa rin dahil ma traffic pa rin ang ganoon oras, dahil maayos naman ang usapan namin, pinatawad na kami ng pulis...

nakakatuwa madalas kasi ang impression natin sa mga pulis ay mahilig manikil, tatakutin ka pa, para lang maglagay ka at sasabihin may penalty ang ginawa mo violation, di sila madali kausapin dahil ang gusto ay bigyan mo sila ng pera

ang ating mga pulis sa balibago ay tuinay na pagseserbisyo ang ginagawa, kung nagkamali ka, at maari pa namang magkapaliwanagan, ay nadadaan pa sa usapan,

dahil sa tunay na serbisyo pinagkaloob nila sa amin, naisipan naming bigyan sila ng konting pasasalamat, binilhan namin sila ng masarap ng siopao sa kowloon... nais lang po naming iparamdam sa kanila ang pasasalamt namin, at maramdaman nila na sa kanila maayos na pakikipag usap ay mas maganda ang kinakalabasan...

mas mahirap na ang pulis ay manikil sa mga tao nahuhuli nila, mas mabuti na iparamdam natin sa maayos na pulis na pagnagbigay sila ng maayos na serbisyo ang kapalit noon ay isang pagpupuri at tunay na pasasalamat....

muli nais ko pong magpasalamat sa mga pulis balibago.. at mula kay mayor arlene arcilas, sa pangangalaga sa ating mga pulis na maging tapat ang kanilang serbisyo publiko...




tunay na serbisyo makatao, lungsod ng makabago ang hatid nyo po, nawa mga ka bloggers tayo din, tulungan natin ang mga public servants at ating sarili upang makamit natin ang tunay na pagbabago para sa ating lungsod na sta.rosa... I LOVE STA.ROSA

Martes, Enero 5, 2010

DREAM BIG



Solemnity of Mary Mother of God


DREAM BIG
A few year ago, we started praying the Novena to God’s Love at the Feast, Our Sunday prayer gathering at the Valle Verde ountry Club in Pasig City.
The prayer is very simple but it’s reaping blessings for thousand of people who pray it regularly.The novena booklet has blank pages where people can write their dreams for the year. And believe me, we have been receiving testimonies of answered prayes, dreams fulfilled,miracles happening – all because they prayed every day for their dreams.Let them be big,hairy,audacious goals –because nothing’s impossible with God. Lift them up in prayer every day.
But, here’s the secret : don’t just write them down and pray about them.Do something about them each day. And the Lord will bless you!  Bo Sanchez (bosanchez@kerygmafamily.com)

i got this letter through  my email(ilovesta.rosa@yahoo.com), it was such a very inspiring letter para masimulan mo ang 2010 mo ng puno -puno ng positive attitude, actually, simula ng matutunan ko isulat ang mga goals ko gaya ng payo ni bro.bo, mas madami ako na achieve para sa sarili ko , here are the list that i achieved last 2009 sa pamamgitan ng pasasabuhay ng mga nabasa ko mula sa books ni bro bo na 8secrets of the truly rich


1. Give God a weekly love offering
2. insured myself  
3. loss more than 30lbs and maintain a good physique
4. established my lending bussiness
5. blog my life
6. natutunan ko mag breastroke at butterfly



my goals for this 2010
1.maintain to be 100 lbs
2.save 50k 
3. buy mutual fund
4.learn to earn from bloging
5.learn to cook Chinese food


I HOPE I INSPIRE YOU THROUGH MY BLOGS .. HAPPY NEW YEAR!

Lunes, Enero 4, 2010

Huwarang Guro sa Mam Logo ng Central1 Sta.Rosa City

Kinahahangaan Ko si Mam Logo ng central 1 Sta.Rosa City. Sya ay isang public teacher ng central 1 at ang anak ko na si francis na may ADHD ( lagi ko itong babangitin dahil ako ay proud na may ADHD ang anak Ko) ay dito rin nag-aaral, sya ay isang transferee mula sa isang pribado eskwelahan dito sa sta.rosa.


Ako ay humanga sa teacher na ito dahil ng malaman ko mula sa adviser(mam atienza) ng anak ko na walang grado sa science para sa 2nd grading... imbes na magalit ako sa teacher ay napahanga pa ako at nachachalenge naman ako para sa anak ko... sabi ng adviser kaya daw walang grade si francis dahil hindi nga daw nagawa ng quizzes at wala mga seatwork or homework , walang makuha score sa anak ko kaya wala grade. eto kasi ang tama ng adhd sa kanya ayaw nya talaga magsulat pero magaling sya sa recitation...

nahanga ako sa teacher dahil
- sa dami ng studyante na hawak nya 60 per class at ilang class meron ang grade 4, ay nagawa pa nya wag lagyan ng grade ang anak ko, ibig sabihin noon kahit madami syang hawak na estudyante alam nya kung ano dapat na grade ang ibigay para sa bawat estudyante...
- sa dami ng hawak nya estudyante why bother herself na magbigay ng blank grade at masugod pa sya ng magulang.. pwede naman nya ilagay na 75?
- nahanga ako kasi tunay na pagdidisiplina ang nais nya sa mga bata....
-hindi nya hahayaan na magkaroon ng 75 sa card ang anak ko , dahil alam nya magaling pa rin naman ang bata, disiplina lang ang kailangan

bilang isang magulang , ipinaharap ko sa kanya si Francis, at hinayaan ko na sya ang makisuyo sa teacher nya, dahil kung ako ang haharap , ako ang magiging estudyante, ang usapan namin hangang wala grades ang cards, walang mga privillage sa bahay, specially playing computers during holidays and weekends...

natutuwa pa ako sa nangyari, dahil parang natauhan ang anak ko sa mga pangyayari na nawalan sya ng grade sa card, nag asikaso sya, at nagugulat ako na naaalala nya kung ano dapat gawin na bilin ng teacher nya para magkaroon ng grade sa card, kaya lang medyo disiplinarian talaga si mam logo, di nya talaga pa binigyan ng grade si francis ngayon bago magbakasyon, kaya tuluy wala sya privilege sa buong holidays, masyado nalungkot si francis, pero kinausap ko sya at sinabihan, na madami pa naman holidays ang dadating sa buhay nya, and make this a learning time for you, you dont deserve na sa tuwing holidays ay lagi ka n lng walang privilege, kaya mark this holiday that it wont happen again... sa tingin ko ano man ang nangyari sa kanya, ito isang alaala ibabaon nya sa buhay nya at mapupulutan ng aral, isang aral na lagi ko pinapangaral sa kanya na ngayon lang nya ata naintindihan ... ang responsibilidad mo bilang estudyante ay gampanan ng mabuti, sapagkat habang nabubuhay ay lagi tayo may responsibilidad at kung ito ay hahayaan natin, buhay ay mahihirapan...ang buhay ay hindi lamang ABC at 123 kailangan din nating matuto mag solve ng buhay problema, sanayin ang sariling matuto dumiskarte ng tama....

SALAMAT SAYO MAMA LOGO SA MAGANDA PAGDIDISIPLINA MO SA ANAK KO, TUNAY NA HINAHANGAAN KITA!

Sabado, Enero 2, 2010

pabili nga po, pautang po ! OMG!


OMG! super to the max talaga sa pinaka highest level, haaayy, life is not really fair, kaya talaga kailangan mo talaga mag-ingat, isang move mo lang ikaw na ang mali, haaayyy... ang daya, anyway this post is about lending again... haaay, just imagine,eto palang kapitbahay ko( bilas ko po) na nakukulitan ako at gaya ng gaya sa akin, yun pla wala sa kanya yun,kaya daw pala nya pinautang ang customer ko dahil para lang daw tindahan yun.... na pag may lumapit sayo ay pagbibilhan mo... OMG! talaga, imagine nyo mga ka bloggers, ang tingin ko sa negosyo ko ay isang malaki banko, samantalang sya icocompare nya lang ang negosyo nya na parang isang tindahan!!!!!!!!!!!!!.... kasalanan ko ito, dapat tinuruan ko n lng talaga sya ng tama,kung nanggagaya nalang din sya,dapat tinangap ko na lang na ganoon sya, dapat na turuan ko sya na di dapat ganun ang tingin nya sa negosyo nya na parang tindhan lang.... kaya ayan tuloy ang nagyari nagkagulo kaming dalawa.... haaaayyy..pautangin ba naman nya customer ko, at ng di na makabayad, sympre yung asawa nya nahingi ng tulong na samahan ko sa bahay,hindi ko naman masamahan dahil kaibigan at customer ko din yung pupuntahan nila... nahihiya naman ako sa bayao ko, dahil bayao ko di ko matulungan... hangang sa nagkamali ako ng move sa pagtulong sa dalawang makukulit na kaibigan ko, ayan tuloy di na ako makalabas, nakasali na ako, pero okey na rin at least nang malaman ko kung bakit ganoon ang ginagawa nya, gusto lang pala nya talaga kaibiganin ang kaibigan ko... at gusto lng nya pautangin ang na utang sa akin dahil sa tingin nya mas safe nya ng pautangin dahil nautang na sa akin.... haaayyyy... IM SORRY , iba ang naiisip ko sa naiisp mo, next time lalakasan ko na ang loob ko, na sabihin sayo pagnakikita ko mali ang ginagaya mo sa akin... haaayyyy.... anyway It was a lesson learned it a very hard way.... grabe talaga....

P.S
naisip ko kaya nya yun nagawa kasi bata pa sya, tama nga bata pa sya at tumatanda na ako,nagiging conservative na ako,lalo na sa salitang delikadesa at sa mga kulturang pinoy,... nagulat ako kasi talaga masyado malawak ang isip nya,at kung iisipin mo nga naman talaga inosente sya,kaya lang talaga nagkataon matanda na ako, at ang pananaw ko ay conservative na... pero its not too late... babaguhin ko na lang ang linya ko.. sasabihin ko na lang na bata pa kasi nya at masyado na syang liberated,at siguro tumatanda na ako at nagiging conservative... maging sensitive ako sa feelings nya.......

Unang taon palang .. may natutunan na agad ako... kayo din po sana mga ka bloggers ko....

PS 2
Desiderata
-- written by Max Ehrmann in the 1920s --
Not "Found in Old St. Paul's Church"! -- see below

Go placidly amid the noise and the haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly; (kailangan ko ipractice pa ito)
and listen to others,
even to the dull and the ignorant;
they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons;
they are vexatious to the spirit.
If you compare yourself with others,
you may become vain or bitter,
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs,
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself. Especially do not feign affection.
Neither be cynical about love,
for in the face of all aridity and disenchantment,
it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.
You are a child of the universe
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.
Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful. Strive to be happy.

galing kay :

Biyernes, Enero 1, 2010

Dancing teacher ng central 1








ishare ko lng sa inyo mga ka bloggers ang maganda video na ito. naanyayahan kasi kaming manood ng sayaw ng teacher ng anak ko si Ms. Barraga sa plaza .

nanood naman kami, naiisip ko kasi maganda ito ipakita sa mga anak ko, dahil, dito makikita ng anak ko na hindi lang pala pagtuturo ng lesson ang alam ng teachers nila, marunong din palang sumayaw,isa ko rin itong paraan na ma feel proud sila sa mga teachers nila, at maiba iba naman ang tingin nila sa mga teachers, na kahit minsan masusungit dahil nag didisiplina, ay masayahin pa rin ang mga teachers sa labas ng eskwelahan


madali lang ang pagluluto ng Kare-kare


madali lang ang pagluluto ng Kare-kare? oo nga, totoo yun, natuklasan ko na madali lng pala magluto nyan, wala pa nga isang oras talaga, naluto mo na ang kare kare,

dati kasi noon akala ko mahirap magluto ng kare kare gawa kasi ng giniling na mani, nakakabili lang naman pala nun sa supermarket, hindi kasi ako mahilig magluto ng mga ulam na gawa sa mga pre-mix sauce na nabibili naka sachet, feeling ko puno ng kemikal.. hehhhehe ,

ganito langang dapat gawin

isalang na agad ang palambuting karne (ox tail or pata)na nilagyan ng asin (salt to taste ) habang nagpapamlambot,pwede ka ng magsaing ng bigas(multi-tasking.. hehehhe) pwede ka na ring maghiwa ng mga gulay na gusto mong ilagay sa kare kare, tulad ng talong,sibuyas,bawang,kalabasa,talong,pechay, mag prepare ng atsuete

para sa mga ka bloggers ko na di alam paano magprepare ng atsuete, kumuha lng ng isang handful of atsuete, at ibabad sa tubig, pagnamula na ang tubig , kunin na ang buto ng atsuete, yung pinagbabaran ng atsuete ang gagamitin sa pagluluto.

kapag malambot na ang karne, kumuha ng bagong kawal. mag-gisa ng bawang,sibuyas,pag tapos ka ng mag-gisa, ilahalo mo na rin yung giniling na mani, igisa sa ginisnag bawang at sibuyas,.

ihalo ang atsuete,isalin ang pinalambot na kare at kalabasa , kumuha lng ng tamang sabaw sa pinagakuluan ng karne, simmer for 10 minutes, para yung lasa ng sarsa ay sumama sa loob ng karne, bantayan mabuti ha, baka kasi masunog ang sarsa... heheheheh

pagmay mga 10minutes ng pinapasimmer yung sarsa sa karne, pwede ng ilagay ang sitaw at talong, palambutin, pagakatapos pwede na ring ilagay ang pechay, pagkatapos mapalambot ang sitaw at talong,


Bonga, may kare-kare na po kayo... hehehehhe simple lng naman di ba? subukan nyo na......

CERTIFIED TAMAD NA GAWAIN!!!!!! HAPPY NEW YEAR!


p.s
eto po yung mga links ko para sa mga certified tamad na gawain

http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/tamang-pagtutupi-ng-medyas.html

http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/tamad-magpaputi-ng-damit-may-solusyon.html