Miyerkules, Disyembre 30, 2009

Bo Sanchez nakangiti sa akin....



habang ako ay dapat mag post tunkol sa pag gawa ng simpleng kare-kare, eto si bo sanchez na picture nya ang nasa tabi ng laptop ko, usually kasi kapag ako ay nagawa ng bago post sa blog ang mga books ko ay nasa tabi ko, para kapag may kukunin ako idea, andyan lng sa tabi ang mga reference ko, as of now favorite reference ko ay yung book ni bo sanchez na 8 secrets of the truly rich, masyado malakas ang influence ni bro. bo sa akin, actually pinag iipunan ko pa mabuti yung pag enrol sa kanya about money making sa internet... medyo interesado ako dun, sa ngayon kasi, ang pagblog na ito ay nagiging hobby ko lang, actually naisip ko lang mag inspire ng mga tao , siguro naman naiinspire ko kayo,... hehehe, kahit mukha wala ako kausap.. kala nyo di ko kayo nakikita ha... may webstat kaya ako,, alam ko may mga viewers ako,kaya ikaw benguet at taiwan mag comment ka naman, pati na si taga rizal, pls pls naman, magparamdam naman kayo sa akin kahit man lng isang hi! dyan sa post comment... hehehehhe salamat sa pagbabasa nyo ha....mula kay taga binan, muntinlupa at mga viewers ko sa USa, magparamdam naman kayo, hi! lng dyan masaya na ako... hehehhhehe, anyway eto picture ni bro.bo lagi nakangiti sa akin nagpapinsipre talaga sya sa akin, minsan naiisp ko wag ng magpost after all wala naman ako kinikita dito, pero sabi ni bo, earn from your core gift, alam ko balang araw kikita din ako sa pag blog, matutunun ko din yan, sa ngayon nasisiyahan ako magpost ng mga idea ko, sa tuwing gagawin ko yan parang nasa heaven ako,lalo na pag nashare ko sa inyo ang mga inspirayon na kwento ko,alam ko.... wag matigas ulo, andyan lng kayo sa tabi tabi...pls pls.. magparamdam... wag kayo mag alala ... pagnatuklasan ko na at nakaipon na ako pang enrol kay bro bo... madalas magpost ako kung paano naging effective yung pinagaaralan ko.......   sya gawa na ulit ako ng post tungkol sa kare kare.... magparamdam naman po kayo ... hehehhehehe

100 Things to-do Before I Die part 2



try nyo lng po itong quiz ..maganda..http://brass612.tripod.com/bridge.html .

i-continue ko lang yung 100 things to-do before i die list ko
1.learn to speak Spanish
2.learn to cook chinese food
3. hiking w/ the kids
4.visit my brother @ california
5. visit my sister -in-law @ new york
6.learn to bake cake
7. learn to cook italian food
8. run a 10k race
9.kayaking w/my kids
10. earn 1 million
11.gym instructress
12. be a tourist guide
13.dive w/ my kids
14.tour palawan
15. tour mindanao
16.be a well known blogger in my town
17. isali ang asawa sa isang bodybuilding competion at makakuha ng medal
18.learn to play violin
19.learn to play saxophone
20.magtayo ng isang foundation para sa mga batang di nakakapag-aral
21.maging volunteer para sa mga batang kapos palad
22. be a recyclist
23.always be a PTA member
24. do the dreadlocks
25.maging kalbo
25.magkaroon ng purple hair
26.magkaroon ng red hair
27.magkaoon ng green hair
28.magkaroon ng blue hair
29. maging blood donor
30.magpatatoo ng sponegebob
31.makapagpatapos ng apat na anak sa kolehiyo
32.competetive novice swimmer
33. invest in mutual funds
34.invest in stocks

 wala na ulit ako maisip hehehhehe



this coming 2010, 2 to 3 things to-do yung pipiliin ko magawa

1.earn 1million-
            sympre di ko naman magagwa yun agad sa buong 2010, pero dapat ko ng simulan kung paano ko
            magagwa yun 15 years from now, ibig sabihin 15yrs ko  to-do list  ang to earn 1 million

 2.invest in mutual funds
            starting to save to invest sa mutual funds, hangang ngayon pinag-aaralan ko pa kung saan ba ang  
            may    pinka affordable at wise na pag iinvest ng mutual funds....http://www.icap.com.ph

3. learn to cook Chinese food
            madali kc iluto ang chinese food sa tingin ko, puro gisa lng kasi at mahilig din sila sa gulay, madals
            ang  mga ingredients nila ay nabibili din sa local market natin....

kayo ba mga ka bloggers ko, ano po ang mga plans nyo this coming 2010?

mga links ko po
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/100-things-to-do-before-i-die.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/12/mangagagaya.html

Kon. Amil Carta in action!


sa pamamagitanng blog ko, pasalamatan ko po si kon. amil carta sa kanya project na anti-rabbies sa loob ng subdibisyon namin. sayang nga lang at na delete ko po ang video na nagbabakuna sila ng mga aso. tunay na serbisyo publiko ang hatid nyo, madami dog owner ang pumila sa pagpapabakuna para sa anti-rabbies, may nakahanda din silang murang bakuna para  sa anti-galis.

mga ka-bloggers ko sa sta.rosa city,  kung nais nyo magkaroon din ng ganito project si kon. amil carta sa inyo subd, mag-iwan lng po ng comment , at ipaaalam ko po kay kon. na nahingi kayo ng request... hehehehhehe ...


Salamat po ulit Kon. amil Carta!



Linggo, Disyembre 27, 2009

MANG-GAGAYA KA TALAGA!


lahat na lang ginaya mo,mula sa gupit ng buhok ko,kulay ng short na sinusuot ko, pati mga binebenta ko binenta mo rin, masaklap, pagnagbenta ka ng binebenta ko, magsasama ka pa ng kaibigan mo sa pinagkukuhan ko, at pati kaibigan mo, magbebenta na rin, lahat na tayo pare pareho ng binebenta...

masaklap kuya edi talaga, kala ko hangang doon n lng ang kaya mong gayahin sa akin, ng maging kapitbahay kita, pati kaibigan ko kinaibigan mo din, sobra saklap, inaanyayahan mo pang makipag inuman sa bahay mo ang kaibigan ko,para namang wala ka ng ibang kaibigan na mayaya makipag inuman.... di naman masama loob ko sa kaibigan ko nakipag inuman sayo.. malaya sila gawin yun, naiisip ko lang ay nagshare lang ako ng blessing sayo.. siguro nga madami na ako blessings....Thanks god for all my blessings...

pero eto na ang sobra ginawa mo sa pangagaya, kala mo lahat na lang magagaya mo sa akin, pero alam mo,kaibigan pa rin kita, at di ko kinakatuwa ang nangyari sayo sa sobrang pang gagaya mo, dahil nga ako ay nagpapa-utang, nagpautang ka din, at dahil nga idol mo ako, pati nangungutang sa akin ay pinautang mo din, kaya lang ito ang isang bagay na di mo kaya gayahin..... kung paano ko napapabayad ang mga customer ko nang tapat sa akin.... ikinalulungkot ko ang naging transaction nyo, nagkaroon kayo ng palitan ng di magagandang salita, nalulungkot ako masyado para dito dahil pareho ko kayo kaibigan, kung ako ang nasa kalagayan mo, iapapayo ko di mo sya dapat pinautang, dahil may utang na nga sa akin pauutangin mo pa, sino ang una nya babayaran sa atin?.. at kung ako naman dun sa nangungutang dapat nag isip muna syang mabuti kung kaya pa ba nyang bayaran ang taong uutangan nya? hindi lahat ng uutangan mo na lending ay maiintindihan ka na pwede kang lumaktaw ng bayad... sa akin kasi mauunawaan kita dahil iba ang guiding principles ko sa bussiness ko... e paano yung iba? dapat kinonsidera mo muna yun...

minsan naiisip ko dapat ba ako magalit sa kaibigan ko na mahilig mangaya? sympre once in a while naiisip ko mainis, pero dahil siguro yung word ni God andun na sa akin,kahit naiinis ako sayo, naiisip ko anak ka pa rin ng diyos at kapatid pa rin kita sa pananampalataya, from that i heal my self, i ask God for peace of my heart and forgiveness, hindi ganoon kadali yun, but thru time and consistency of asking God for peace and love, I still love you my friend

I ask God ,kung ano man ang nagyari sa inyo dalawa kaibigan ko ay, sana may natutunan ka,di ko man alam kung ano ang natutunan mo, I hope and pray para sana sa ikakabuti mo at sa pamilya mo ang natutunan mo....

Tahimik man ako, i will always be there for you and watching you para mabigyan kita agad ng tulong pagkailngan mo......

Happy new year!

P.s.
para sa mga ka bloggers ko, I hope may natutunan din kayo sa love letter ko tungkol sa buhay lending, masyado talaga kumplikado ang negosyo na ito....

please read this poem... maganda kasi ito......

http://www.fleurdelis.com/desiderata.htm


p.s 2

sa picture wala dun yung makulit na friend ko hehehehehhe

p.s 3
 mga links tungkol sa lending
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/mag-ipon-ng-1million.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/12/walang-pambili-ng-bigas-pauutangin-mo.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/pagpapautang-ano-ba-ang-alam-ko-tungkol.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/12/worth-educating-yourself.html

Biyernes, Disyembre 25, 2009

Miyerkules, Disyembre 23, 2009

Dancing teacher ng central 1








ishare ko lng sa inyo mga ka bloggers ang maganda video na ito. naanyayahan kasi kaming manood ng sayaw ng teacher ng anak ko si mrs. barraga sa plaza .

nanood naman kami, naiisip ko kasi maganda ito ipakita sa mga anak ko, dahil, dito makikita ng anak ko na hindi lang pala pagtuturo ng lesson ang alam ng teachers nila, marunong din palang sumayaw,isa ko rin itong paraan na ma feel proud sila sa mga teachers nila, at maiba iba naman ang tingin nila sa mga teachers, na kahit minsan masusungit dahil nag didisiplina, ay masayahin pa rin ang mga teachers sa labas ng eskwelahan

Martes, Disyembre 22, 2009

Walang Pambili ng Bigas, Pauutangin Mo Ba?

walang pambili ng bigas, pauutangin mo ba? hindi... bakit hindi, e pambili nga ng bigas wala syang pambili , pauutangin mo pa..... wala ka namang konsiyensya.. bakit naman? kasi hahayaan mo na lang syang magutom.. bakit may sinabi ba ako hahayaan ko syang magutom? ang sabi mo lang ay kung pauutangin ko ba? sympre ang sagot ko ay hindi... hindi ko kayang magpautang sa isang tao alam ko kahit pagkain ay walang pambili.. ito ay isang malaking kasalanan sa DIYOS..... pangigipit ang tawag ko dyan....


 mga ka bloggers maraming pagkakataon na maraming lumalapit sa akin at madami na rin ako tinangihan, minsan may lumapit sa akin pa utang daw ng pambili ng gasul, tinangihan ko, para sa akin ang gasul nagagawan ng paraan pwede ka pa rin naman magluto kahit walang gasul, ako nga kaya ko magpabaga ng kahoy,.
minsan naman may lumapit sa akin pambili daw ng bigas, hindi ko sya pinautang, pero masasabi ko mga ka-bloggers , kahit hindi ko sya pinautang para makabili ng bigas,hindi ko naman sya hinyaang umuwi sa bahay nya ng walang maisasaing na bigas sa pamilya nya... binigyan ko sya ng bigas....

ganito lang kasi yan mga ka bloggers, bago ko nasimulan ang negosyo paglelending , i educate my self lalo na sa mga salita ni god, at ishare ko lang sa inyo ang mga guiding principles ko sa pagpapautang, isa ito sa mga nabasa ko libro.. worth educating yourself talaga, kasi kung hinayaan ko lang maging mang-mang ako sa salita ni God lalo na sa pagdating sa paghawak ng pera naisip ko na , nawalan na ako ng pera , nawalan pa ako ng kaluluwa... nakakatakot.. hehehehehhe

eto po ang guiding principles ko sa lending:


**ACCUMULATING AND LENDING

Accumulating - "for the love of money is a root of all kinds of evil,for which some have strayed from the faith in their greediness" (Tim. 6:10) As we begin to accumulate money and possessions,faithful stewardship can give way to greed. Our affections can subtly turn from buildings God's kingdom to creating and reinforcing our own . Money has a way feeding pride and self-sufficiency.As riches increase.it is essential to maintain right priorities.

lending -'"A good man deals graciously and lends" (Ps.1125:5) The bible teaches compassion  and genrosity toward the needy. Money given to the poor for such basic needs as food clothing,or shelter should be seen as gifts without  expectation of repayment (Lk 6:34,35). In so doing, we lend "to the Lord" (prov. 19:17) He promises to repay. Money given to a persons "wants" can be considered loans and repayment is expected. we should exercise good judgment in what we loan for and who we loan to.....**

**Managing your money.. Biblical principles of money management... ,pp18,written by: terry d. edwards, copyright 1997 christian equippers international

tungkol sa pera? sundan ang mga post ko
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/mag-ipon-ng-1million.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/11/pagpapautang-ano-ba-ang-alam-ko-tungkol.html
http://ilovestarosa.blogspot.com/2009/12/worth-educating-yourself.html

3rd Advent of the week



we celebrate the 3rd advent of the week last monday.We read about " The King Born in a stable" . from the title itself , reminds us that God was born in a simple way, ibig sabihin, christmas is not about new clothes, toys, extravagant noche buena, and other material things nakakakapag bigay pa sa atin ng stress....

naisip ko mula ngayon , tatangalin ko na ang stress ng holidays sa akin, i keep it more simple
1. no more new clothes during Christmas, after all  we can buy new clothes when we really need it ( buying new clothes during this holidays are only for those who don't have enough money to buy on other months due to tight budget)
2. simple gift giving, like e-cards,Chocolate Gift Bags, gift checks
3. toys that only cost 80 pesos and below na pwede mo ng bilhin sa local market nyo, pagkatapos naman nila laruin yung toy, iiwan din nila ulit yan, ilang days lang sawa na sila, so why buy too expensive toys.
4. simple noche buena, kahit pandesal at ham at mainit na kape pwede na yun... yung nga iba wala naman talaga pambili kahit tinapay...tuloy nawala ang diwa ng pasko na pag wala kang noche buena parang ang lungkot lungkot, di naman dapat kasi ganoon , dahil ang pasko ay dapat masaya sapagkat ito ang kaarawan ng ating tagapgligtas....



may your Christmas be filled of joy and Happiness.... Merry Christmas!

Sabado, Disyembre 12, 2009

pahinga muna

pahinga muna me sa pagpost ko, super busy kasi ako this weekend, binyagan ng boy and girl scout  ng kids and after noon ay enchanted kingdom naman po kami para sa procter and gamble family christmas celebration. basa basa muna po kayo ng mga archives ko.. ...

Biyernes, Disyembre 11, 2009

Tamad ang hindi magwalis sa bakuran


bakit ba kasi kailangan magwalis ng bakuran sa umaga? at hindi mo nagawa yun, para namang ang laki na ng kasalanan mo sa mga matatanda? at iisipin na nila na mahihirapan ka makisama sa asawa  at biyenan mo dahil hindi ka magaling magwalis at madumi ka sa bahay ?o kaya naman sasabihan ka na nilang ang tamad tamad mo? para namang yun lng ang kaya mong gawin magwalis ng bakuran.... haay siguro nga moderno na kasi ako... naalala ko kasi lumaki ako sa bahay ng tiya ko na may malaki bakuran... at isa sa obligasyon ko ay magwalis ng bakuran.. pero lagi ko iniisip na bakit bakuran muna ang wawalisin at bakit hindi ang loob ng bahay?

para sa sarili ko opinyon,dapat loob mo muna ng bahay ang linisin mo bago ang labas, ganito kasi yan, punahin mo muna ang dumi ng katawan mo bago ang dumi ng iba....so feeling ko yung dumi sa bakuran ko ay yun yung dumi ng iba tao na kinaiiritahan ko, at yung dumi sa loob ng bahay ko ay yun yung mga bagay na gusto ko improve para sa kaayusan ng pamilya ko.

di ko na pahahabain pa kwento ko, kung inuna ko ang pagwawalis ng bakuran namin ( malaki ang bakuran ko dahil nakatira ako sa probinsya) hindi ko magagawa sumabay sa asawa ko maligo sa umaga , at ma attract ko ang husband ko na makipag make love sa kanya ngayon umaga bago sya pumasok sa trabaho, kaya nga sabi ng kapitbahay ko na naririnig ko na nagbubulungan sa bintana namin habang kami ay nag making love ay.. "wala bang tao dito sa bahay na ito at walang nagwawalis? " ( sila na ang nagwalis ng bakuran ko....)
hehehehe .....

hindi ko naman sinasabi na wag kayong magwalis ng bakuran nyo, kung yun ba ang hilig nyo at masaya kayo gawin yun, edi masaya.. kaya lang kapag naninilip ka na bakit ang iba ay hindi nagwawalis, teka teka lng.. ibig sabihin ba nun hindi ka na masaya sa ginagawa mong pagwawalis? 


kaya mga ka bloggers wag natin husgahan ang mga kabataan na tamad magwalis... dahil sa tingin ko hindi pagwawalis ang sulution sa ikagagagnda ng marriage life nya in the future.....
 CERTIFIED KATAMARAN!!!!!!!!!!!

WALK THE TALK :
Let go of the idea that gentle,relaxed people can't be super achivers....
-richard carlson ph.d -dont sweat the small stuff..and it's all small stuff

Huwebes, Disyembre 10, 2009

Joe's apartment ( may ipis sa amerika)


Probinsyana Philippines: WALANG IPIS SA AMERIKA

Probinsyana Philippines: WALANG IPIS SA AMERIKA: "http://www.imdb.com/media/rm1010604032/tt0116707"
katunayan may ipis sa amerika

2nd advent of the week



http://probinsyanaphilippines.blogspot.com/2009/12/1st-week-of-advent.html
ayan ang link sa 1st week advent namin.



kids are so excited for our 2nd week of advent .
we read about the story of john. sya ang anak ni elizabeth at ni zechariah. na halos mawalan na ng pag asa na magkaroon pa sila ng anak dahil masyado na sila matanda, but God's send an angel name gabriel  at sinabi na bibigyan sila ng anak and they will call them john.. John will grow up to be a great man and make them very happy. God has chosen their son to tell his people that their King is coming.John will help them get ready to welcome him

But zechariah really couldn't believe it. he and elizabeth were too old to have a baby!, because he have not believed God's Word the angel said that he won't be able to speak ,from that moment until the day God's promise comes true...
as soon as elizabeth's baby arrived all the familly and friends were so happy for them. They begun to discuss the baby's name.everyone wanted him to call Zecariah,after his father. but elizabeth said no, the baby's name was John. They argued that no one is called john in their family. and they tourn to zechariah to ask what he wanted the baby to be called.Zechariah picked up his writing tablet,then to their surprise, he wrote the name of john. and at that moment Zechariah's voice came back. he was able to speak again. and the first thing he did was to thank God,out loud,for his little son.....


 after namin magbasa ay sympre exicted na naman sila para sa christmas socks nila.. mini toblerone po yung nilagay ko.ang saya ng mini party namin....

and they can't wait for the 3rd advent of the week....

Miyerkules, Disyembre 9, 2009

WALANG IPIS SA AMERIKA



WALANG IPIS SA AMERIKA ? totally absurd!!!!!!!! its isn't true, cockroach had lived with dinosaurs and they still exist.


My story is not about kung meron nga ba o walang ipis sa amerika, i wont waste my time , pero dahil sa ipis i decided na itigil ang pakikipagchat ko sa friend ko (well she's been a nice friend to me) . Dahil lng sa ipis? (yup... hehehehhehe)

Dahil sa ipis , naisip ko its not worth my time and effort to chat with someone who think that Philippines is the worst country, maybe totoo nga madumi ang pinas.. but one thing im sure... pinanganak ka pa rin sa pinas... and you will never escape from that... kahit magkaroon ka pa ng greencard at kung may violet na card na nageexist whatever.. ay sa pinas ka pa rin pinanganak.. at kung hindi ka sa pinas pinanganak ang lahi mo ay pinoy pa rin.....pareho pareho lng tayo pinoy....

It really hurts my being makabayan... I love Philippines.!!!... nakapagbiyahe na rin naman ako mula sa ibang bansa.. at naiingit ako na makita maayos sila... lalo na sa korea at singapore na ang linis linis nila... pero hindi yun magiging dahilan para ikamuhi ko ang bansa ko... i'll rather take an action kung paano ko matutulungan ang bansa ko, katulad ng pagaayos ng mga basura ko sa sarili ko pamamahay, pagiging entrepreneur, palakihing ko makabayan ang anak ko, maging good tax payer, bomoto ng tama,

sabi nga ni Bo sanchez (8 secrets of a truly rich)ang pagiging mayaman mo ay walang kinalaman sa kung sino mang nakaupo presidente ng pilipinas....


di ko sinasabi ipapamulat ko sa anak ko na hindi maganda mag ibang bansa.... kung yun ang pangarap ng anak ko lalo na si francis na may ADHD . He dream to be a scientist and will live in USA,tutulungan ko sya at gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para marating lng nya ang pangarap nya... at lalo ko sya palalakihing may pagmamahal sa pilipinas na wag na wag nya kakalimutan pinoy ang lahi nya....
 dahil sa tingin ko lang pag nalimutan ko ituro yun sa anak ko, lalo ko lang pinahirapan ang bansa ko.. dahil sino ba ang tutulong na paunlarin ang bansa natin / sympre ang mga kabataan ngayon....sabi nga ni rizal... ang kabataan ang pag asa ng bayan.....

Palakihin natin ang mga anak natin na may pagmamahal sa bayan!!!!!!!!

Martes, Disyembre 8, 2009

pagbabawas ng kalat



magbabawas ako ng kalat! masaya at excited ako, sa tuwing ako ay magbabawas ng gamit namin sa loob ng bahay ako ay na excited kasi, nakikita ko ang mga bagay bagay na hindi ko makita at matagal ko ng hinahanap.
dapat kasi ay magdadagdag na lang ako ng mga drawer para maitabi pa yung mga iba pa namin gamit, pero sabi ng asawa ko, imbes daw na magdagdag ako ng tamabak ay magbawas ako, sa ganoon pwede ko ring ipamigay pa sa ibang tao mas nangangailangan ng gamit na nakatago sa akin.... isa pa ang kagandahan din ng pagbabawas ay hindi ka naiipunan ng mga tambak na gamit, dahil kapag tambak ka lng ng tambak ng mga gamit na di mo na kailangan lumalaki din ang space na kailangan mo para sa pagtatambak.. so nagiging disorganize tuloy ang bahay mo...

pero nakakapag taka lang ha... almost 3 times a year ako nagbabawas pero hangang nagyon may binabawas pa rin ako... naiisip ko tuloy ang dami ko talaga blessings...minsan mga blessing na hindi ko na napapansin, kaya para sa akin ang pagbabawas ay isang magandang gawain upang maisip mo ang mga blessing mo at maipamahagi mo pa ito sa mga tao mas nangangailangan....


ng maayos handa na ang mga gamit na ipamimigay ko sa pasko, binalot balot ko ng plastic at nilagyan ko ng ribbons...

Sabado, Disyembre 5, 2009

Daily Routines of a stay home mom


I've have this habit of waking up early. Gaano ka aga? 4 am, super aga ano.., iniisip nyo siguro kung ano ginagawa ko sa ganito ka aga,una sympre thanking God for all the blessing I receive, 2nd i prepare breakfast and pack lunch for my kids and hubby, 3rd prepare my kids for school time, most of the time I play piano after i eat my 1st meal  or I read books for them, minsan if they ask question, nagbibigay ako ng wisdom of the day while they eat their breakfast ( hindi ito sermon heheheh)


after na masundo na sila ng service nila @ around quarter to seven I walked around our subdivision, a brisk walking. 5 turns ay tapos na ako, it just take 15 to 20 minutes. no need to wear  rubber shoes, basta kung ano lng ang suot ko labas na ako (i dont sleep with pajamas) at slippers,usually kc pag nagbihis ka pa para sa pag breeze walking mo, matatagalan ka pa @ yung sikat nag araw masyado ng mainit, di tulad kapag naaabutan mo yung yellowish pa ang color ng sun ,mmm maganda at masarap sa balat vitamin D.

walking in the morning is very important to me, para kasi sa akin yun na yung oras na nilaan ko para sa sarili ko,and i really proud of it that after all the hectic schedule i have as a stay home mom I still have time to spare for my wellness.

while i walk i listen to my e-books sa ipod shuffle ko,habang naglalakad dinadaan ko na rin yung daily collection ko sa mga tindahan, feeling ko masyado talaga efficient ang day ko , imagine mo yung multi tasking na ginagawa ko , nag eexercise na , nag-aaral pa ako at nagtratrabaho. 

after breeze walking, i eat my 2nd meal , take my vitamins & protiens.clean the house and cook food, and off to work .. online jobs...

@ around 9 am stop na ako sa work, tutor naman para sa 2 kids na natira sa house. after nun, nap time for me.
before 11 am gising na ako ulit for lunch time , kasi yung isa ko pa anak ay papasok na sa school, after lunch , work ulit ako
@ 3pm resting time so i have energy sa pag uwi ng mga kids ko ng 4pm.we play and eat dinner together, after that its study time, while i clean the mess again.I read another chapter of storybook.

after all those routine nagpupunta naman ako sa Gym, 30 to 45 minutes lang tapos uwi na ako, sabay kami matutulog ng kids ko ng 9pm.....


being a stay home mom is not easy, you also need to manage your time or else you will get bored  to your daily routines, you must be creative in cultivating your own dreams as an individual and as a mom and wife...

Huwebes, Disyembre 3, 2009

Worth Educating Yourself


education? kapos ako nyan.. kaya hindi ko hinayaan na manatili ako mangmang.... (drama) pero totoo yan high school lang ang tinapos ko, kung bakit? sa iba ko n lng post explain sa inyo...

kahit high school lng tinapos ko, mahilig ako magbasa at dahil sa pag babasa marami na nagyari sa buhay ko
1.dahil sa pagbabasa natutuo ako pumili ng tamang lalaki pakakasalan
2. may takot pa rin ako sa Diyos

3.nag-enrol ako ng online course para mapakinabangan ng mga anak ko( daycare management) at ipinagmamalaki ko na ang anak ko ay lagi nasasabi bakit daw ba ako mabait di tulad ng iba na lagi nagagalit sa malilit lng na bagay.. sabi ko edukasyon pa rin,sa tingin ko kung wala akong alam tungkol sa tamang pag-aalaga sa mga bata baka ako din, mabilis uminit ang ulo ko at lagi ko sila mapapagalitan
4.napababa ko ang aking timbang (from 138lbs to 112lbs)at napanatili ko maganda ang aking kalusugan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagresearch sa internet
5. pagpapalago ng pera mula sa ebooks
6. tamang pag iisip at pakikipagsalamuha sa mga difficult people sa paligid ko
7. pananatiling masyang pamilya at makulay na buhay pangangasawa
8. pagiging high-teck.. ayoko mapag iwana ng panahon....
9. natutuo rin ako mamili ng mga tao pakikisalamuhain ko(influential people) sympre kung may difficult may influential people.


sa tingin ko,kung hinayaang ko maging mangmang ako sa lahat ng bagay, baka ang buhay ko ay isang malaki DISASTER. bakit? sapagkat hindi ko maiintindihan at mauunawaan ang lahat ng mga bagay bagay na mangyayari sa aking buhay... di ko alam kung paano sya ihahandle... pero dahil equip ako sa mga bagay bagay.. dumating man ang bagyo sa buhay ko, alam ko lilipas,napaghahandaan at napag aaralan ang lahat ng bagay ....kayo ba paano nyo tinuturan ang sarili  para sa ikakaunlad ng future nyo?

1st week of advent


its our first time to celebrate advent in our family. naisip ko magandang tradition ito, instead of focusing our family in buying new clothes and toys, i thought of a new tradition that i wish my kids may past it to their own children.

last monday i read bo sanchez about mini parties, that how i came to think about advent , we celebrate the 1st week advent as our mini party for the coming Christmas, and here it goes


1.i bought 4 tiny candles and Christmas ball and place it to a dinner plate. no need to buy fancy plate for candles,
2. i bought chihciria ( i guess if i try to buy fancy food for our mini party , it wont be could mini party anymore, and it will just give more  hassle to prepare. i place those chichiria at their own Christmas socks
3. i place the advent candle ,children bible, and count-the-day flip chart( so they know how many days are left for the Christmas) at the table
4. we start by explaining to them our new tradition and the meaning of it, i said to them that chrismas is not about new clothes,santa claus, new toys and other material things , its about the birth of God  our Savior,

5. we lit the first candle, i read a children bible about Mary, that an angel send a message to Mary ,that God choose her to be the mother of  God's promise  King .
6. after that they are excited to get their own socks and see whats inside of it
7. we eat. and can't wait fro the 2nd week of advent

next week ipost ko yung 2nd advent

Miyerkules, Disyembre 2, 2009

Nawawalang Barong Tagalog

Nawawala ba ang barong tagalog ng asawa ko? ahh hindi, ang nawawala ay ang kultura ng mga pinoy na lalaki na magsuot ng barong tagalog sa mga espesyal na okasyon. Ikinalulungkot ko ito masyado, ng ako ay maka attend ng isang kasalan sa Hotel halos iilan na lang ang nagsusuot ng barong tagalog. Sila yung mga nasa edad 35 pataas...

Sabi nga namin ng asawa ko kung sya ba daw ay dapat na ring bumili ng amerikana kasi yun na daw ata ang uso,pero sabi kokung pati ikaw ay magsusuot ng amerikana, sino pa ang magsusuot ng barong tagalog?


kaya napag isipan namin na ipag patuloy pa ang tradtion pag susuot ng barong tagalog,at lagi ko itong imumungkahi para sa aking mga anak na lalaki, barong tagalog para sa ating kultura....